MANDALUYONG – NAGBABALA ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga operator ng Peryahan ng Bayan (PNB) na mananagot sa batas kapag nagpatuloy sa paggamit ng kanilang logo nang walang pahintulot.
Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na nakatanggap sila ng ulat hinggil sa ilang outlet ng PNB na gumagamit ng logo ng PCSO na nagreresulta ng kalituhan.
Iginiit ni Balutan na noon pang Marso 2016 ay terminated na ang deed of authority ng Globaltech Mobile Online Corp., subalit nagpapatuloy ang operasyon nito.
“Using the PCSO logo to look legitimate in the eyes of the betting public is illegal. Globaltech has no right to use the PCSO logo as PNB is no longer authorized by the agency,” ayon pa kay Balutan.
“I will not allow the abuse and use the agency’s name in any form of illegal activities,” dagdag ni Balutan.
Sa record 82 kompanya lamang ang awtorisadong mag-operate ng STL at kung mayroong mga gumagamit ng PCSO logo, ang mga ito ang apektado.
“We have to protect the STL operations as this bring huge impact in the revenues of PCSO,” ayon pa kay Balutan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.