TARGET ngayon ni Filipino boxing champion Jerwin Ancajas, na minsang nangarap na magwagi ng titulo kahit sa regional level, na maging undisputed world champion sa 115 pounds.
Si Ancajas, 27, ang reigning IBF super-flyweight champion, at pitong beses niyang naidepensa ang kanyang korona magmula nang mapanalunan ito noong 2016. Ang kanyang susunod na laban ay gaganapin sa late September o early October.
“When I was starting out, I dreamed of winning a regional belt. Now, I’m a world champion. I hope I can unify the belts if I’m blessed,” wika ni Ancajas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.
Ayon sa kanyang trainer na si Joven Jimenez, ang detalye ng kanyang susunod na laban ay malalaman sa loob ng isa o dalawang linggo.
“We have a timetable. Top Rank is negotiating a fight with WBC champion Juan Francisco Estrada. But we’re looking at three names, including Andrew Maloney (Australia, 20-0) and Alexandru Marin (Romania, 18-0),” ani Jimenez.
Sa tatlo, sina Ancajas at Jimenez ay kapwa naniniwala na si Estrada ang ‘most significant fight’ para sa Filipino champion, na may rekord na 31-1-2, kasama ang 21 knockouts.
“That’s the fight that we want,” ani Jimenez sa forum na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at PAGCOR.
Ang iba pang world titles sa 115 pounds ay hawak nina Kazuto Ioka ng Japan (WBO) at Khalid Yahai ng United Kingdom (WBA).
“If we can get the Estrada fight that will be exciting,” ani Ancajas, na naidepensa ang kanyang titulo sa ika-7 pagkakataon noong nakaraang Mayo via seventh-round stoppage kay Ryuichi Funai ng Japan sa Stockton, California.
Ayon pa kay Ancajas, kaya niyang talunin si Estrada, ang 29-year-old Mexican (39-3 with 26 knockouts) na tinalo si Thai pound-for-pound champion Srisaket Sor Rungvisai noong Abril.
“We believe that there’s a way to beat Estrada. We can beat him,” ani Ancajas, na ginagawang abala ang sarili sa light training bago ang kanyang susunod na laban sa United States. CLYDE MARIANO
Comments are closed.