Plano nila presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at ng kanyang ka-tandem na si Inday Sara Duterte na gawing permanente ang pagtatalaga ng mga protected bike lanes sa mga kalsadang itatayo ng pamahalaan sakaling palarin sila sa darating na halalan.
Ang hakbang na ito ng UniTeam ay pagpapakita ng kanilang kagustuhan na magbigay ng alternatibong paraan ng transportasyon para sa mga Pilipino, maging para sa trabaho o paglilibang.
“The COVID-19 pandemic has shown us the need to develop active transport as a practical and healthy alternative to existing modes. By including the provision of bike lanes in the planning and design of our roads, we ensure that our people have options to move around,” sabi ng UniTeam.
Ayon sa survey ng polling firm na Social Weather Stations (SWS) noong Mayo 2021, nakita na 1 sa 5 sambahayang Pinoy ang nagmamay-ari ng bisikleta.
Higit na mas marami ang bilang na ito sa mga may-ari ng kotse sa ratio na 4:1. Nabatid din sa survey na mayroon nang 4.9 milyong bisikleta sa bansa noong Mayo 2021 pa lamang.
Nabanggit din ng SWS na ang pagmamay-ari ng bisikleta ay tumaas mula 8% noong Nobyembre 2020 hanggang 20% noong Mayo 2021, pangunahing dahilan rito ang kawalan ng pampublikong sasakyan sa panahon ng mga lockdown na dulot ng pandemya.
Sinabi rin ng UniTeam na ang malakas na panawagan para sa pagkumpleto ng Metro Manila Bike Lane Network ay nagpapahiwatig ng pagnanais ng mga Pinoy na mas malayang makakilos.
“We are for the completion of the Manila Bike Lane Network, and we are also eyeing to rollout a similar plan for other urban centers in the country. We need to encourage bicycle use as it’s a practical and good exercise activity,” saad pa ng UniTeam.
Nangako rin sina Marcos at Inday Sara na itutuloy ang planong pag-upgrade ng bike lanes mula Class 1 hanggang Class 2 upang matiyak na mayroon itong mga separator na magbibigay ng dagdag proteksyon sa mga siklista at motorista.
“We need to ensure that these bike lanes are safe and in compliance with international standards. It will increase the people’s confidence to use bicycles as their preferred mode of transportation,” dagdag pa ng UniTeam.
The formidable duo also expressed confidence that having bike lanes as a fixture in Philippine roads would boost local tourism as more people are encouraged to visit nearby tourist destinations.
Nagpahayag din ang UniTeam tandem na ang pagsasaayos ng mga bike lanes sa mga kalsada ng Pilipinas ay magpapalakas sa lokal na turismo dahil mas maraming tao ang mahihikayat na bumisita sa mga kalapit na tourist destinations.
“We think that bicycle-riding tourists will be a boon for our local tourism. We have seen an increasing trend among Pinoys who use bikes to visit distant sites and well-known places. This will be good for our economic recovery,” diin pa ng UniTeam.
Maliban sa pagsasaayos nito, pinag-iisipan rin ng UniTeam na magbigay ng mga zero-interest loans sa mga mahihirap nating kababayan na hindi kayang bumili ng sariling bisikleta.
“We are still looking into the possibility of offering zero-interest loans to the poor and the marginalized to allow more people to have a bicycle. This will be a crucial component of our vision of a seamless intermodal transport system in the country,” ayon pa sa UniTeam.