UNITEAM NANAWAGAN NA BANTAYAN ANG OIL PRICE HIKE DAHIL SA RUSSIA-UKRAINE CONFLICT

BBM-SARA

NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan upang mapigilan at bantayan ang posibleng pagsirit ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin kabilang ang pagkain na maaring maging epekto nang tumitinding digmaan sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine.

Sinabi ng UniTeam na sa harap ng sunod-sunod na pagsubok ng mga mamamayan dahil sa pandemya, hindi makatwiran na madagdagan pa ang paghihirap ng mga Pinoy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

“Masyadong magiging mabigat para sa ating mga kababayan kung lalo pang tataas ang presyo ng langis dahil alam naman natin na magbubunsod rin ito ng pagtaas ng mga bilihin,” pahayag ng UniTeam.

“Nagtaasan na nga ang mga presyo ng mga bilihin ngayon matapos ang ilang sunod-sunod na oil price hike, ibayong paghihirap pa ang ating mararanasan kung tataas pa lalo ang presyo ng langis,” sabi pa ng UniTeam.

Ipinanukala rin nila na dapat ay suspindihin ang excise tax sa fuel imports bilang bahagi ng subsidy para sa oil companies.

“But oil companies should not take advantage of succeeding increases in fuel prices in the world market as the conflict between Russia and Ukraine continues. ‘Wag na muna silang maghangad ng masyadong malaking tubo na ang taumbayan naman ang magpapasan,” dagdag pa ng BBM-Sara UniTeam

Ayon sa mga statistics, ang konsumo ng Pilipinas noong 2020 ay umabot sa 142,715,000 barrels, habang ayon naman sa US Energy Information Administration, ang oil reserves ng Pilipinas ay nasa 0.14 billion barrels noong 2021.

Noong 2018, ang mga oil depot at iba pang katulad na pasilidad ay kayang mag-imbak ng abot sa 5,397 million liters ng langis.

Ilang eksperto ang nagsabi na maaari pang umabot sa $150 hanggang $170 per barrel ang presyo ng langis ngayon lalo dahil ang bansang Russia ang tatlo sa pinakamalaking producer ng langis at pangalawa sa pinakamalaking producer ng producer ng natural gas sa buong daigdig.

Sa kasalukuyan, siyam na sunod na linggo na ang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas mula nang pumasok ang taong 2022.