PLANO ng BBM-Sara UniTeam na magtayo ng mas maraming mga modernong “bagsakan / bulungan” o mga trading post upang mabigyan ang mga Pilipinong mamimili ng access sa mas abot-kayang mga produktong agrikultural.
Ayon kay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte, malaki ang ambag ng gastos sa transportasyon sa mataas na presyo ng mga bilihin, kaya’t iminumungkahi nila na isaayos ang paraan ng pamamahagi at pagdaragdag ng mga trading post.
“Moving goods around the country is expensive, and as a result, buyers shoulder this cost at the retail level. To even have a fighting chance of lowering retail prices, we need to create an efficient agriculture supply chain starting with these modern trading posts,” ayon sa BBM-Sara UniTeam.
Mas kilala bilang ‘bagsakan’ / ‘bulungan,’ ang mga lugar na ito ay nagsisilbing paunang delivery point para sa isda, karne, mga produkto ng manok, sariwang gulay, prutas at iba pa.
Tinaguriang ‘bulungan’ dahil tila nagbubulungan at minsan ay dinadaan sa kumpas ng kamay at daliri ang mga nagbebenta at namimili habang nagta-transaksyon.
Balak rin ng UniTeam na lagyan ng mga cold-storage equipment ang mga nasabing pasilidad upang hindi agad masira ang mga produktong agrikultural at mapanatili ang kalidad nito.
Dagdag pa nina Marcos Jr. at Inday Sara na makikipag-ugnayan sila sa mga pinuno ng mga local government units (LGUs) sa urban at rural areas ng bansa upang matukoy ang mga pinaka-angkop na lokasyon para sa mga nasabing pasilidad.
Bukod sa pagtugon sa isyu ng supply chain, ang agricultural master plan ng UniTeam ay naglalaman din ng mga oportunidad sa trabaho at pagnenegosyo dahil kasama kanilang panukala ang pag-upgrade ang mga pampublikong wet market sa bansa.
“At first glance, it would seem that these are lofty goals, but we are serious in giving our people the public service that they deserve – affordable food for their family. We will prove that this is doable through hard work and sheer will,” saad pa ng UniTeam.
Binigyang diin rin ng dalawa na ang mas maayos na supply chain ay magkakaroon rin ng positibong epekto sa kapaligiran bukod sa benepisyo ng mas mababang presyo ng mga bilihin.
“We need to encourage consumers to ‘buy local’ since not only is it advantageous for our farmers and the family budget, it will also be a boon for the environment. There will be less production of greenhouse gases since there will be a reduction in the number of trips needed to deliver the goods with these trading posts in place,” ayon pa sa UniTeam.