ILAGAN – Anim na atleta, kasama ang anak ng isang OFW na nangungulila sa kanyang Amerikanong ama na hindi niya nakita mula nang siya ay isilang, ang naging instant celebrities, habang inagaw ng University of the Philippines ang overall leadership sa Dasmariñas sa 2018 National Open Invitational na ginaganap sa 7,000-seating capacity Ilagan Sports and Cultural Center.
Nagtala sina Evangeline Caminong at Carlos de Limos ng bagong Philippine record, nagwagi sina Veruel Verdadero at Eliza Coyum ng tig-apat na ginto, gumawa si three-times Cebu International half marathon champion Richard Salano ng 3-of-3 sa 3,000m steeplechase, 5000m at 10,000m, at nanalo ang Filipino-American si Alexie Mae Caimoso sa una niyang pagsabak sa heptathlon at high jump.
Sigurado na sina Verdadero at Coyum, kapuwa beterano ng Palarong Pambansa, bilang MVP sa boys at girls divisions. Kahit manalo si Jessel Lumapas sa 4x100m ay si Coyum pa rin ang MVP sa kanyang perfect 4-of-4.
Dala ang colors ng Run Rio, ang UP ay humakot ng 14 ginto, 16 pilak at 11 tanso hanggang kahapon ng alas-11 ng umaga. Bumagsak ang Dasma-riñas sa ikalawang puwesto na may 11-6-1. Karamihan sa gintong nakuha ng Dasmariñas ay galing kina Verdadero at Coyum na may tig-apat na ginto.
Pumangatlo ang Philippine Army (10-5-6), kasunod ang RP Team Ilagan (9-4-3), La Salle (5-4-2), Ateneo (5-1-4), Adamson (4-5-4), Camarines Norte (2-2-4), University of Baguio (2-2-3), Mapua (2-2-3) at San Beda (1-5-4).
Si Caimoso, 17, anak ng isang OFW mula sa Leon, Iloilo ay nagwagi sa heptathlon na may 4,216 points at dinuplika ang kanyang panalo sa high jump sa Palarong Pambansa na ginanap sa Vigan.
“I used sports as bridge to find my American father I didn’t see since birth. His surname is Brooks. I hope, he reads my name in the newspapers his daughter in the Philippines is longing to see him,” sabi ni Caimoso kasama ang kanyang coach na si Sean Guevara.
“This is the first time I competed in heptathlon. I’m happy I made it,” dagdag pa niya.
Sina Caminong at De Limos ay naging instant celebrities sa kanilang record breaking performance sa torneo na nilahukan ng mga atleta mula sa Thailand, Sri Lanka at Sabah-Malaysia, inorganisa ng PATAFA at sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez, at ng Ayala Foundation.
Binura ni Caminong, anak ng isang dairy farmer mula sa San Vicente, Palawan at naninirahan sa Dasmariñas, Cavite ang 1.69 meters na naitala ni Kylene Mosqueda sa bagong record na 1.71 meters sa high jump girls. Nanalo rin siya sa long jump at second sa heptathlon na may 4,163 points.
Nagtala naman si De Limos, anak ng isang taxi driver mula sa Tagkawayan, Quezon at naninirahan sa Pasig, ng bagong RP record sa 5000m walkathon boys sa 26.26 seconds upang burahin ang 26.39 seconds ni Mark Anthony Salinas noong 2008.
Nanalo si Verdadero, double winner sa Palarong Pambansa, sa 100m, 200m, 4x100m mixed relay at 4x400m relay boys; dinomina ni Salano ang 3,000m steeplechase, 10,000m at 5,000m men at nagwagi si Coyum sa 100m, 110m hurdles, 4x100m at 4x400m relays girls. CLYDE MARIANO
Comments are closed.