(Upang mabawasan ang pagiging overcrowded) BAGONG CARRYING CAPACITY SA BORACAY ITATAKDA

NAGSASAGAWA  na ng pakikipagtalakayan ang Department of Environment and Natural Resources(DENR)-6 sa Western Visayas sa mga stakeholders para sa plano nitong pagtatakda ng bagong bilang ng limitasyon sa “carrying capacity” o kapasidad ng bilang ng mga tao kada araw partikular na ang mga turista sa sikat na white sand beach tourist destination na Boracay Island sa Malay town, lalawigan ng Aklan upang maiwasan ang pag- apaw ng tao rito at mapangalagaan ito.

Ayon sa isang ulat mula sa state run na Philippine Information Agency (PIA), ang ideal na bilang ng tao kada araw na maaaring payagan sa naturang isla ay kasalukuyan pang pinag- uusapan.

“More proper discussions are needed to come up with the proper numbers,” ayon kay DENR-6 Regional Director Raul Lorilla sa Kapihan sa Bagong Pilipinas na inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA)-6.

Ang pinag -uusapan pang updated carrying capacity na hindi pa binanggit, ayon kay Lorilla, ay kailangan pang aprubahan ng DENR Central Office sa Quezon City.

Isang inter-agency task force ang nabuo ng pamahalaan at dati ng nagtakda ng limitasyon ng carrying capacity ng isla nang muli itong buksan sa turista noong Oktubre 2018 matapos pansamantala itong ipasara sa tourism para sa rehabilitasyon nito sa ilalim ng dating Presidente Rodrigo Duterte. Isa sa naging dahilan ng pansamantalang pagsasara nito noon ay ang “overdevelopment”.

Noong 2018 ang natukoy na limitasyon na carrying capacity ng isla ay itinakda lamang sa maximum na 6,405 na turista. Dahil sa may average na tatlong araw na pananatili sa isla ang mga turista, itinakda noong 2018 ang carrying capacity nito na 19,215 turista kada araw.

Mula nang ang restriction sa pandemic ay inalis, biglang tumaas ang bilang ng mga turistang patuloy na nagdadagsaan na higit sa dating itinakdang limitasyon sa kapasidad nito.Nitong nakaraang Holy Week ay nakapagtala ng halos doble ang bilang ng mga turistang nagdatingan sa isla. Umabot sa 13,000 ang bisita noong

Huwebes Santo ng 2024 , samantalang 16,000 naman ng Huwebes Santo ng taong 2023.

“There is no final decision yet on the adjusted numbers,” ang sabi ni Lorilla. Ayon sa kanya, nais nilang tiyakin na ang magiging bagong carrying capacity ng Boracay ay kailangang mapanatili nito ang “sustainability” sa mga bagong pamumuhunan para sa turismo.

Kabilang sa panukala ng DENR-6 upang mabawasan ang populasyon sa Boracay ay ang hilingin na umuwi sa mainland Malay town ang mga nagtatrabaho rito.“That way, Boracay will be less crowded and the visitors can enjoy it better,” sabi ni Lorilla.

May mga panukala din na lumikha ng hiwalay na carrying capacity para sa mga taong nasa sektor ng transportasyon tulad ng vans, tricycles at e-tricycles.

Ang DENR-6 at mga attached agencies nito ay kasalukuyang nakikipag koordina sa local government units (LGUs) ng lalawigan ng Aklan, Malay, Department of Tourism (DOT), at mga negosyo sa Boracay at iba pang stakeholders bago magkaroon ng pinal na desisyon sa carrying capacity nito. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia