ANG MANOK panabong ay katulad din ng boksingero kung saan parehong speed at power ang kailangan. Ang pinagkaiba lang ang manok ay patayan ang pupuntahan.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, malaking bagay sa upbringing ng mga manok panabong ang lumaki sa pagalaan o range.
“Strong foundation po ay nakukuha sa range area kung saan sila lumaki kung sa bundok po malakas ang beywang, balikat, pula ang mata kasi akyat, takbuhan at lipad sa mataas na puno at nandoon po ang natural source ng viatamins and minerals,” sabi ni Doc Marvin.
Maganda, aniya, kung may dumi ng baka (natural source ng vitamin B12), kabayo (unidentified growth factor) at kambing (anti-red mites) sa range.
“Tingnan ninyo po ‘yung tao na laki sa hirap at naglalakad lang araw-araw at ‘yung lumaki sa city na buhay mayaman pagdating sa maglaban ng anumang sports madali mapagod ang lumaki sa siyudad, lalo na po kung boxing. Ang boxer kalimitan ay lumaki ng batak sa trabaho kaya matatag,” ani Doc Marvin.
Habang lumalaki sila simula sa unang araw hanggang 6 months, dito ninyo na ibigay lahat ng vitamins at supplements na gusto ninyo para matatag ang foundation nila at puwede po wala kasi mayroon na ang lahat ng feeds (matuto po tayo magbasa ng label na pinaglalagyan at nandoon ang composition). Ang pinaka-importante po ang ibigay ay electrolytes kasi mataas ang pangangailangan nila habang lumalaki.
Ayon kay Doc Marvin, kaya maputla ang mukha ng mga manok natin kasi dapat every 15 days ay pinupurga sila.
“Dapat po magkasama ang stag at pullet sa paglaki para maiwasan ‘yung papatayin ang kalaban tapos hindi tutukain. Ang super na stag at hari ay nasa pinakamataas na hapunan at katabi halos lahat ng pullet kasi gusto niyang nakikita ang lahat kaya dapat lahat ng stag nakatikim maghari,” ani Doc Marvin.
“Bago mag-anim na buwan dapat alisin na pinakahari at ito ay considered na multi-winner kasi tinalo niya ang lakas ng hangin at ulan, init ng araw at mga predators (sawa, daga, bayawak, alamid etc.) at lahat ng sakit. Kung ang mga sawa at bayawak ay ‘di niya kayang labanan ay lalo na po ang talas ng tari at dapat po ay survival,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa kanya, walang magagawa ang kumpletong vaccination at medication program kung masikip at madumi ang kanilang pinaglalagyan o overcrowding.
“Pare-parehas na po bloodline iyan at magkakatalo na lang kung paano mo inalagaan!” sabi pa ni Doc Marvin.
Aniya, given na po ‘yung super galing ang abilidad ng manok na inihahanda bilang panlaban kasi hindi ka naman siguro maghahanda ng manok na paala-alangan o regular ang abilidad.
738446 734012I like this internet web site because so much utile stuff on here : D. 323157
577228 335983Precisely what I was searching for, thankyou for putting up. 527606