URBAN AGRICULTURE PARA SA MARALITA ARANGKADA NA

UMARANGKADA na ang programang urban agriculture ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Department of Agriculture (DA) – Bureau of Plant Industry (BPI) para sa mga maralitang tagalungsod mula sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan na lubhang apektado ng pandemyang Covid-19.

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nina PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin Feliciano at DA-BPI Director George Culaste, nagkasundo ang dalawang ahensiya na bumuo ng isang kolaborasyon para magsulong ng mga programang tutugon sa kahirapan at kagutuman na nararanasan ngayon ng mga mahihirap na sektor.

Ayon kay Feliciano, “dahil sa pandemya ay mas lumobo ang bilang ng mga kababayan nating nagugutom at nakararanas ng kakulangan sa pagkain kaya naman, nais ng PCUP at ng BPI na maging instrumento ang programang urban agriculture para maibsan kahit papaano ang kinakaharap na krisis sa pagkain ng mga maralitang Filipino.”

“Hindi po namin hahayaan na maging hadlang ang pandemya upang ang aming ahensiya ay makapagserbisyo sa mga nangangailangan dahil mas malawak na hanay pa ng maralita ang nais naming makinabang sa programang ito. Hindi dahilan ang limitadong espasyo ng lupa sa mga urban areas dahil sa pamamagitan ng urban gardening ay puwedeng makapagtanim ng sari-saring mga gulay at halaman na bukod sa pagkain ay maaari ring pagkakitaan,” dagdag pa ni Feliciano.

Base sa datos ng Komisyon at ng BPI, may 13 lugar na ang maituturing na established urban garden sites na sumailalim sa site inspection ng dalawang ahensiya na nabahagian na rin ng mga libreng garden tools, assorted vegetable seeds, fertilizer, soil/soil mix, vermicompost, plastic drum, vertical hanging pots, mushroom fruiting bags, wall mounted vertical harden structure, at A-frame hydroponics. Nakapagset-up na rin ang mga ito ng mga nursery seedling shed bilang paunang hakbang sa urban agriculture. Kabilang sa mga site na ito ay  sa lungsod ng Caloocan, Makati, Malabon, Maynila, Parañaque, Pasay, at munisipalidad ng Pateros.

Samantala, pangungunahan ni Feliciano ang pag-iikot sa mga lungsod sa NCR upang magsagawa ng site inspection sa iba pang mga urban areas na may potensiyal na pagtaniman ng iba’t ibang klase ng gulay at prutas na magmumula sa BPI.

Bukod sa mga lugar sa bahaging NCR, plano rin ng PCUP na mas palawakin pa ang sakop ng mga magiging benepisyaryo ng programa hanggang sa Luzon, Visayas, at Mindanao kaya’t patuloy itong makikipag-ugnayan sa BPI para sa posibleng pagsasakatuparan nito. BENEDICT ABAYGAR, JR.

17 thoughts on “URBAN AGRICULTURE PARA SA MARALITA ARANGKADA NA”

  1. Hello! This is my first visit to your blog! We are a collection of volunteers
    and starting a new initiative in a community in the same niche.
    Your blog provided us beneficial information to work on. You have done a wonderful job!

  2. Awesome blog you have here but I was wondering if you knew of any message boards that cover the same topics talked about here?
    I’d really like to be a part of online community where I can get advice
    from other experienced individuals that share the same
    interest. If you have any recommendations, please let me know.
    Bless you!

  3. constantly i used to read smaller posts that also clear their motive, and that is also happening with this post which I am reading at this place.

  4. Just want to say your article is as amazing.
    The clearness to your publish is just nice and i
    can think you’re knowledgeable on this subject.

    Fine with your permission let me to clutch your
    RSS feed to keep up to date with impending post. Thanks one million and please keep up the gratifying work.

  5. Hi my friend! I want to say that this article is awesome, nice written and come with approximately all vital infos.
    I would like to peer more posts like this .

  6. Wow that was unusual. I just wrote an really long comment but after I clicked submit my comment didn’t appear.
    Grrrr… well I’m not writing all that over again. Anyway, just wanted to say wonderful
    blog!

Comments are closed.