MAGING ang Estados Unidos ay makikiisa rin sa pagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.
Batay sa abiso ng United States (US) Embassy, sarado ang kanilang tanggapan sa nasabing araw, na natapat sa araw ng Biyernes, Hunyo 15.
Maging ang iba pa nitong mga opisina sa iba pang lugar sa bansa ay sarado rin.
Inaasahan namang magbabalik ang operasyon ng US Embassy at affiliated offices nito sa Lunes, Hunyo 18.
Ang Eid’l Fitr ay idineklarang regular holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.