TINIYAK ni White House National Security Communications Advisor John Kirby kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling kaibigan at kaalyado ng Pilipinas ang Estados Unidos.
Sa press conference sa Philippine media delegation sa muling pagbisita ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos, sinabi ni Kirby na maaaring hingin ng Filipino ang suporta ni President Joe Biden.
“For as long as President Biden is the president of the United States, the Philippines can count on him and his team’s full support from proving our bilateral relationship and for meeting our commitment, our treaty commitments to the Philippines,” ayon kay Kirby.
Ginawa ni Kirby ang pahayag nang matanong kung mananatiling magkaalyansa ang dalawang bansa kahit nagpalit na ng mga lider sa susunod na panahon.
Sinagot naman ito ng US government na mapapatuloy ang alyasa ng dalawang lider kahit pa mabago ang kanilang Pangulo sa Nobyembre dahil iyon ang eleksyon sa kanila.
Sinabi pa ni Kirby na hangga’t si Biden ang kanilang Pangulo ay mananatili ang pakikipagkaibigan sa Pilipinas.
Nasa US si Pangulong Marcos para dumalo sa trilateral meeting kasama ang Japan at US.
Ang diplomatic relations ng dalawang bansa ay nasa 77 taon simula noong July 4, 1946. EVELYN QUIROZ