USEC RIO BUMITAW NA SA DICT

DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr

NAGBITIW si Eliseo Rio, Jr. bilang undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

“I filed my resignation and awaiting acceptance of the President,” ani Rio at idinagdag na ang kanyang resignation letter ay ipinadala sa Malacañang noong Biyernes, Enero 31.

Si Rio, isang engineer at kasalukuyang Undersecretary for Operations sa ahensiya, ay nagsilbing acting secretary ng DICT at pinamunuan ang bidding process para sa third telco noong 2018.

Ayon kay Rio, nag-resign siya dahil sa magkakaibang pananaw nila ng iba pang mga opisyal ng ahensiya. Kabilang sa mga pinagtatalunan ang mil­yon milyong pisong confidential funds na inilagak sa ahensiya, at ang malinaw na alitan sa mga bagong appointee.

“’Yung situation sa DICT, I cannot work with the undersecretaries at assistant secretaries, eh. They are not involving me. I’m supposed to be Undersecretary of Operations, but they are not involving me in decisions,” wika ni Rio.

“’Yung operations and intelligence, very close ‘yan so whatever intel, involved talaga ang operations. I might as well get out, sayang ang suweldo para sa akin.”

Comments are closed.