MARICEL SORIANO PURO BATA ANG IPINAPAREHA

MARICEL SORIANO

IN demand ngayon ang mga horror films. Nagsimula ito sa foreign films at  nang magklik, gumawa na rin ang local films. Alam kasi ng mga producers na ito ang kumikita at trending nga­yon kung kaya sumabak na rin sila sa may ganitong genre.

Nagsimula ito sa “Eerie” nina Bea Alonzo at Charo Santos at naging big hit ito. Katunayan, pabalik-balik ang pelikulang ito sa mga sinehan dahil alam ng mga theater owner na hindi sila talo sa horror films na ipinalalabas nila. Tubong lugaw ito,  kumpara sa mga indie films na one day showing lang sa sinehan dahil wala nga itong katorya-torya, kaya ang ending, pinu-pullout nila ito at ipinapalit ang mga dekalidad na foreign film tulad ng “Avengers Endgame” ni Robert Downey,Jr.

After “Eerie,” susundan naman ito ng isa pang horror movie, ang “Kuwaresma” opposite Sharon Cuneta at John Arcilla. Mas matindi raw ang temang katatakutan nito. Ayon na rin  kay Mega, malaki raw ang ibinawas ng kanyang timbang dahil sa kasisigaw niya sa mga eksenang nila  ni John kung saan lumabas silang mag-asawa.

Pagkatapos ng “Kuwaresma,” sasabak naman ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa isa ring  katatakutang konsepto, ito ang “The Heiress” na handog naman ng Regal Films.

Dati nang lumalabas si Marya sa horror films kaya sanay na siyang mag-emote sa mga eksenang katatakutan, although nasabi nito na makahindig balahibo raw ang pelikulang nabanggit kaya natakot rin daw siya sa mga eksena niya along with co-stars Carmina Villaroel,  Janella Salvador at McCoy de Leon na kapareha ni Maricel, ito’y idinirek ni Frasco Mortiz.

Kapansin-pansin na puro bata ngayon ang ipinatitikim ng director kay Marya. Naunang bagets na ipinareha sa kanya ay si Jamesson Blake, sa So Connected. Nakasama rin niya ito sa MMK kama­kailan lang. Sa The Heiress naman si McCoy nga ang itinambal sa kanya. Matatandaang noong kabataan ni Marya puro sa ka-edad niya siya itinatambal. Hindi siya itinatambal sa iba kundi sa ka-loveteam lang niya. Hit na hit noon ang tambalan nila ni William Martinez,  remember?

Kung bakit sa mga kabataang actor siya itinatambal ngayon, iyon ay dahil daw sumusunod lang ang director sa panahon. Uso raw ngayon  ang mga senior stars na itinatambal sa mga bagets. Nauna rito si Angel Aquino na itinambal kay Tony Labrusca sa pelikulang “Glorius.” At si Gabby Concepcion naman itinambal sa eighteener na si Shaira Diaz sa teleseryeng “Love You Two” ng GMA 7.

Sa totoo lang, patok ngayon ang pagsasama sa pelikula at teleserye ng bagets at forgets stars. Sila ang uso ngayon kaya sinusugalan ng produ.

MIGO ADECER MALAYO ANG MARARATING

MAGANDA ang track record when it comes to acting ng baguhan but promising MIGO ADECERactor na si Migo Adecer. Bawat proyektong gawin niya, napupuri siya ng netizen. To think na he is new in the field pero pasado agad siya sa karamihan. Ang dami nga niyang fans na simusubaybay sa kanya ngayon, lalo sa teleserye Sahaya na napanonood sa GMA after Kara Mia.

Kahit ako, namangha rin sa acting ng batang ito. Agad kong napuna ang kahusayan niya sa pagganap. Bagay na bagay sa kanya ang mga papel na barumbado, suwail, adik, lasenggo, at kung ano-ano pang papel na nagampanan niya before. Pero mas epektib si Migo bilang kontrabida. Iba kasi ang personality niya, combination of ruggedly handsome and decent man. Kaya naman nabalita na crush ito ni Bianca Umali na gumanap na “Sahaya” dahil pogi nga at magaling umarte.

Puring-puri nga si Migo ng kanyang director dahil laging take-one raw ito sa mga eksena niya.   Maging ang ibang co-stars niya in this serye ay pinupuri si Migo dahil magaling raw makisama kapag nasa set sila. Ma-pr pa rin daw.

“Malayo ang mararating ni Migo sa karerang pinili niya. Baguhan lang siya pero may future agad! Para siyang si Christopher de Leon noong nagsisimula pa ito sa showbiz. Believe me, he will go places! Sana lang hindi magbago at lumaki agad ang kanyang ulo!” pamumuri ng co-star niya sa “Sahaya” na si Zoren Legaspi. (DENNIS AGUILAR)

Comments are closed.