(ni CT SARIGUMBA)
PAGDATING nga naman sa trends o uso, ayaw pahuhuli ng marami sa atin. Laging nakaabang kung ano ang uso at bumibili. Ayaw nga namang mapag-iwanan ng mga kaibigan, kakilala at katrabaho.
Kunsabagay, hindi rin naman masama ang makisabay sa uso. Minsan din kasi, kapag binabago natin ang ating look o bumibili tayo ng mga bagay o gamit, sumasaya tayo’t presentable ang pakiramdam natin. Hindi rin naman puwedeng hindi natin ayusin ang ating sarili lalo na kung araw-araw tayong nakikipag-usap sa iba’t ibang tao.
Dahil nga naman napakahagang nagiging presentable tayo saan man tayo magtungo. Mahalaga rin sa ilan ang sumabay sa uso. Pero hindi naman la-hat ng tao ay may kakayahang bumili ng mga bagong outfit para lang makasabay sa kung ano ang nauuso. Kaya naman, narito ang ilang uso ngayong 2020 na hindi mo na kakailanganin pang bilhin dahil nasa closet mo na ito:
SCARF
Marami sa atin ang nahihilig sa scarf. Mainit man o malamig ang panahon, swak na swak itong gamitin. Nakapagdaragdag din ito ng ganda sa ating kabuuan.
At ngayon ngang taon, isa ang scarf styling sa swak o dapat na kahiligan. Lahat din ng klase ng scarf mula maliit hanggang malaki ay puwedeng-puwedeng gamiting pang-style. Napakarami ring paraan kung paano gagamitin ang scarf para maging maganda ang kabuuan.
DEMIN SKIRTS
Kung mahilig ka naman sa denim pero ayaw mong magsuot ng pants, swak namang subukan ang denim skirts.
Matagal na rin namang nauuso ang denim skirts. Marami na rin ang nagsusuot nito. Marahil nga, isa ang denim skirts na mayroon ka sa iyong clos-et.
Kaya’t i-check na ang closet at tingnan kung may denim skirt kang naitabi. At kung mayroon man, panahon na upang ilabas iyan dahil kasama iyan sa uso ngayong taon.
TUBE TOPS
Noon pa man ay swak na ang tube tops. Kumbaga, marami na ang mga kababaihang nahihilig dito. May ilan na ginagamit itong panloob lalo na ka-pag manipis ang damit o blouse. Ang iba naman, ito lang ang suot at pinaparesan ng pants. May ilan din na nagsusuot ng tube tops saka pinapatungan ng jacket o kaya naman bolero.
Kunsabagay, napakadali nga lang naman kasing suot ng tube tops. Marami ring style ang puwedeng subukan at bagay rin sa kahit na anong okasyon.
Isa rin ang tube tops sa swak suotin ngayong taon dahil kasama ito sa mga trending o nauuso.
Kaya naman, ilabas na ang mga tube tops at panahon na upang suotin ulit ito.
BASEBALL CAPS
Mapapansin nating napakarami pa ring nagsusuot ng baseball caps sa panahon ngayon—mapababae man o lalaki.
Kunsabagay, nagsisimula na rin namang uminit ang panahon at isa nga sa ginagamit natin upang may maipansangga sa init ay ang baseball caps o kahit na anong klaseng sombrero.
Hindi lamang din pansangga ng init ang baseball caps dahil kasama ito sa swak suotin o gamitin ngayong taon. Trending o uso nga naman ang base-ball caps kaya’t sa susunod na mga panahon, paniguradong mas marami pa tayong mapapansing gumagamit nito.
Napakadali lang din nitong suotin at bagay sa kahit na sino.
WIDE-LEG JEANS
Isa pang outfit o klase ng kasuotin na magiging patok ang wide-leg jeans. Bukod sa napakakomportable nitong suotin, swak na swak din ito sa kahit na anong okasyon. Marami na ring mga celebrities at influencers ang mapapansing nagsusuot nito.
COLLARED SWEATER
Marami rin sa atin na nahihilig sa sweater. Isa rin sa kinahihiligan ngayon ang polo-style knit o mga collared sweater. Ang style na ito ay nakapa-versatile. Kumbaga, napakadali lang nitong suotin. Swak din itong iterno sa miniskirts at jeans.
LONG SHORTS
Hindi rin naman mabilang ang mga kababaihang nahihilig sa pagsusuot ng shorts. Pero may ilan na ayaw ng maikling short.
Kaya’t sa mga kinaayawan o hindi gaanong sanay na magsuot ng maikling shorts, puwedeng-puwede pa rin kayong mag-short dahil swak na ulit ngayon ang long shorts. Tiyak na may mga long shorts kayong naitatabi sa closet kaya’t panahon na upang ilabas itong muli at gamitin. Mainam din ang long shorts na alternatibo o pamalit sa jeans o midi skirts.
Oo, marami nga naman sa atin ang gustong-gustong sumabay sa uso. At dahil gusto ng marami sa ating sumabay sa uso, hindi na natin kailangan pang gumastos dahil may mga trend na makikita natin sa ating closet.
Pero hindi rin naman kailangang sumabay sa uso.
Hindi rin kasi lahat ng usong damit o outfit ay masasabi nating babagay sa atin.
Sa pagpili pa rin ng isang outfit, isaalang-alang ang pagiging komportable nito at dapat din ay bagay ito sa iyo. (photo credits: Google)
Comments are closed.