UTANG NG PH LUMOBO, P7.104-T SA UNANG 8 BUWAN NG 2018

PUMALO sa panibagong record-high na P7.104 trillion ang outstanding debt ng national government sa unang walong buwan ng taon sa likod ng mataas na foreign borrowings sa gitna ng pag-iisyu ng yen-denominated debt bonds.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury (BTr), ang total outstanding debt ay tumaas ng 10.5 percent mula sa P6.432 trillion na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Month-on-month, ang total obligations ay lumobo ng 0.86 percent mula sa P7.04 trillion noong end-July.

Ang foreign debt ay tumaas ng  3.6 percent sa P2.531 trillion habang ang domestic debt ay bumaba ng 0.6 percent sa P4.573 trillion.

“The growth in external debt was due to net availment of foreign loans amounting to P72.3 billion, including the issuance of Samurai bonds. Currency fluctuations on both dollar and third-currency denominated debt added P14.48 billion and P1.1 billion, respectively,” paliwanag ng BTR.

Noong nakaraang buwan, ang pamahalaan ay nakalikom ng ¥154.2 billion o P74.4 billion mula sa Samurai bonds sa tatlong tenors.

Samantala, ang local borrowings ay bumaba dahil sa net redemption ng  government securities na nagkakaha­laga ng P27.77 billion, bahagyang na-offset ng paghina ng piso na nagpataas sa halaga ng onshore dollar bonds ng P160 million.

Ang piso ay bumagsak mula sa P53.160:$1 hanggang end-July sa P53.475:$1 hanggang end-August.

“Foreign debt accounted for 35.6 percent of the total outstanding liabilities in end-August, while domestic borrowings contributed 64.37 percent.”

Comments are closed.