UTANG NG PH LUMOBO PA SA P11.91-T NOONG SETYEMBRE

Bureau of the Treasury

MULING pumalo ang utang ng Pilipinas sa record high sa pagtatapos ng Setyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, ang kabuuang utang ng bansa ay lumobo sa P11.91 trillion noong nakaraang buwan, mas mataas ng 27.2% kumpara noong 2020. Mas mataas din ito sa P11.64-trillion na naitala noong Agosto.

Ayon sa Treasury, ito ay dahil sa net issuance kapwa ng domestic at external debt at ng paghina ng piso kontra dolyar.

“Domestic loans climbed to ₱8.37 trillion by end-September, a 30.3% yearly growth with the net issuance of government securities,” ayon pa sa ahensiya.

Samantala, ang utang ng bansa sa foreign lenders ay tumaas ng 20.4% year-on-year sa P3.53 trillion.

“For September, the increment in external debt was due to the net availment of foreign loans amounting to P43.99 billion and the effect of local currency depreciation against the US Dollar amounting to P76.82 billion,” anang BTr.

Iniulat din ng BTr ang guaranteed obligations na P432.86 billion hanggang end-September, mas mababa ng 2.8% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Umabot naman ang domestic at external guarantee net repayments sa kabuuang P2.56 billion.

“However, local-currency depreciation against the US dollar increased the value of external guarantees by P4.47 billion, offsetting repayments and third-currency depreciation which trimmed P1.27 billion,” sabi pa ng BTr.

Nauna nang nagbabala ang mga ekonomista na posibleng patuloy na lumobo ang utang ng bansa dahil apektado ng quarantine restrictions ang revenue collection ng pamahalaan, dahilan para mangutang pa ito upang matugunan ang tumataas na budget deficit.