PUMALO na sa kabuuang P10.13 trillion ang utang ng Filipinas sa pagtatapos ng Nobyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Mas mataas ito ng P106.37 billion o 1.1 percent kumpara noong Oktubre, karamihan ay dahil sa domestic borrowing.
“Since January 2020, the country’s debt has grown by P2.4 trillion or 31.1 percent as the government borrowed heavily to respond to the COVID-19 pandemic and other socio-economic measures,” ayon sa ahensiya.
Sa kabuuang utang, 29 percent ay foreign debt habang 71 percent ang domestic.
Magmula noong Enero ng nakaraang taon, ang domestic debt ay tumaas ng P2.06 trillion o 40.3 percent, habang ang foreign debt ay tumaas ng
P338.44 billion o 13 percent.
Gayunman, ang foreign debt ay bumaba ng 0.3 percent noong Nobyembre mula sa naunang buwan sa pagtaas ng halaga ng US dollar.
Ang gobyerno ay patuloy na umuutang mula sa domestic at foreign institutions para pondohan ang COVID-19 response ng bansa.
Comments are closed.