UTANG NG PH LUMOBO SA P7.8-T

PUMALO sa P7.802 trillion ang utang ng Filipinas noong Marso, mas mataas ng  13.4 percent sa P6.879 trillion na naiposte sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang debt level noong Marso ay mas mataas din ng P350 billion kumpara noong Pebrero at mas malaki ng  halos P510 billion noong ­Disyembre 2019.

Sa datos ng BTr, ang foreign borrowings ay bumubuo sa 33.4 percent ng  total debt stock habang ang nalalabi ay mula sa domestic borrowings.

Ayon sa BTr, ang domestic debt ay tumaas dahil sa paglaki ng utang ng gobyerno at sa paghina ng piso laban sa ibang currencies.

Sinabi ng pamahalaan na tataasan nito ang borrowings upang tustusan ang spending program ngayong taon, kabilang ang infrastructure program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Comments are closed.