UTANG NG PH PUMALO SA P7.292-T

ph debt-3

UMABOT sa P7.292 trillion ang outstanding debt ng national government para sa Disyembre 2018, mas mataas ng 9.6 percent kumpara sa P6.652 trillion na naitala noong 2017, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr,  ang P7.292 trillion outstanding debt ng pamahalaan noong nakaraang Disyembre ay mas mataas din ng 1.3 percent kumpara sa November debt level na P7.195 trillion.

Para sa buwan, ang domestic debt ay nasa P4.776 trillion, mas mataas ng 7.6 percent kumpara sa P4.441 tril-lion noong 2017, at ng 1.5 percent sa November level na P4.707 trillion.

“For the month, the rise in domestic debt level was due to the net issuance of government securities amounting to P68.79 billion and peso depreciation that increased the value of onshore dollar bonds…,” ayon sa BTr.

Pagdating sa pagkakautang sa offshore lenders, ang gobyerno ay nagposte ng external debt na  P2.515 trillion para sa buwan, mas mataas ng  13.8 percent sa P2.211 trillion na naitala sa kaparehong buwan noong 2017, at ng 1.2 percent sa P2.487 trillion na iniulat noong Nobyembre 2018.

“Forex [Foreign Exchange] fluctuations on both dollar and third-currency denominated debt contributed the biggest increment to external debt amounting to P8.26 billion and P14.33 billion, respectively, along with net avail-ments on foreign loans which added P6.02 billion,” sabi pa ng BTr.

Samantala, pumalo ang total guaranteed obligations ng pamahalaan sa P487.586 billion para sa ­Disyembre, mas mataas ng 2 percent kumpara sa P478.113 billion na naiposte noong ­Disyembre 2017.

Nagtala rin ito ng 3.3 percent increase kumpara sa guaranteed debt  na  P471.79 billion noong Nobyembre 2018.

Ang domestic guaranteed debt ay nasa P197.537 billion, habang ang external guaranteed debt ay umabot sa P290.049 billion para sa buwan.

Ayon pa sa BTr,  34.50 percent  ng total debt stock ay nakuha sa labas, habang 65.50 percent  ang inutang on-shore.

Bumaba naman ang utang ng bansa sa gross domestic product (GDP) ratio ng 41.9 percent noong ­Disyembre mula sa 42.1 percent  noong 2017.

“The lower debt-to-GDP ratio is due to the moderate increment in debt as a result of prudent cash and debt man-agement and steady economic growth,”  dagdag pa ng BTr.    REA CU