UTANG NG PINAS LUMOBO

PH DEBT

LUMAKI ang utang ng national government sa P7.016 trillion hanggang noong katapusan ng Hunyo, mas mataas ng 2.7 percent o P183.62 billion sa naunang buwan, dahil sa pag-iisyu ng domestic retail bonds at sa paghina ng piso, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang government domestic debt ay naitala sa P4.589 trillion, mas mataas ng 3.5 percent o P154.75 billion kompara sa naunang buwan. Ang pagtaas ay bunga ng pag-iisyu ng P154.32 billion government securities at ng pagbagsak ng piso, na nagpataas sa halaga ng onshore dollar bonds ng P430 million.

Samantala, ang go­vernment external debt ay pumalo sa P2.437 trillion, mas mataas ng 1.2 percent o P28.87 billion kung ihahambing sa end-May fi­gure. Ang pagtaas ay dahil sa pagsadsad ng piso, na nagpataas sa peso value ng  foreign-exchange debt sa P38.95 billion.

Gayunman, ipinaliwanag ng BTr na ang pagtaas ay bahagyang na- offset ng external loan net repayments na nagkakahalaga ng 1.58 billion at ng epekto ng  net depreciation sa 3rd currency-denominated debt na nagkakahalaga ng P8.5 billion.

Comments are closed.