UTANG NG PINAS LUMOBO, P7.92-T NOONG MAYO

Bureau of the Treasury-2

PUMALO ang utang ng Fi­lipinas sa P7.92 trillion noong Mayo, mas mataas ng 15.8 percent kumpara sa ka-parehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, ang foreign debt ng bansa ay nasa P2.658 trillion habang ang domestic debt ay P5.256 tril-lion.

Sa total debt stock ng bansa, 33.6 percent ay pagkakautang sa foreign lenders samantalang 66.4 percent  ay hiniram sa loob lamang ng bansa.

Sa pagsisimula pa lamang ng taon, ang kabuuang utang ng Filipinas ay tumaas ng P623.03 billion.

Magmula noong Mayo ng nakaraang taon, may P1.082 trillion na ang nadagdag sa pagkakautang ng bansa.

Nauna rito ay inihayag ng pamahalaan na daragdagan nito ang uutangin sa loob at labas ng bansa upang tustusan ang P8-trillion ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.