TUMAAS pa sa P7.915 trillion ang outstanding debt ng pamahalaan sa unang 11 buwan ng 2018 dahil sa malaking pangangailangan sa long-dated Treasury bonds noong nakaraang Nobyembre.
Sa ulat ng Bureau of the Treasury (BTr), ang pinagsamang outstanding domestic at external obligations hanggang noong katapusan ng Nobyembre 2018 ay lumobo ng 11.8 percent mula sa P6.437 trillion noong nakalipas na taon at ng 0.4 percent mula sa P7.167 trillion noong Oktubre.
“Domestic debt, which accounted for almost two-thirds of the total, increased 11.9 percent year-on-year and 1.9 percent month-on-month to P4.708 trillion,” ayon sa BTr.
Naniniwala ang BTR na ang month-on-month increase sa locally sourced obligations ay bunga ng net issuance ng government securities na nagkakahalaga ng P88.33 billion.
Gayunman, ang paglaki ng domestic debt ay napahinahon ng paglakas ng piso, na nagsara noong Nobyembre sa 52.389:$1 mu-la sa 53.527:$ noong Oktubre.
“In particular, the peso’s appreciation cut P570 million from the value of outstanding onshore dollar bonds,” sabi pa ng Treasury.
Lumobo naman ang external debt ng 11.6 percent year-on-year sa P2.487 trillion.
Subalit kumpara sa naunang buwan, ang end-November foreign debt ay bumaba ng 2.3 percent, na inilarawan ng BTR na ‘malaking’ pagbaba, salamat sa paglakas ng piso.
Comments are closed.