UTANG NG PINAS P7.451-T

ph debt-3

LUMIIT ang outstanding debt ng pamahalaan sa P7.451 trillion noong Pebrero kumpara sa P7.494 trillion na naitala noong Enero, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Gayunman ay mas mataas ito ng 9.25 percent kumpara sa P6.82 trillion level noong nakaraang taon.

Sa datos ng BTr, ang domestic debt ng pamahalaan ay nasa P4.898 trillion, habang ang foreign debt ay P2.553 trillion.

Ang domestic debt para sa buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan ay mas mataas ng 10.6 percent sa P4.429 trillion na naitala sa kaparehong buwan noong 2018, subalit mas mababa naman ito sa January level na P4.909 trillion.

“The reduction in the level of external debt was due to the net repayment of foreign loans amounting to P3.15 billion and the impact of currency fluctuations on both dollar and third-currency denominated debt amounting to P19.42 billion and P8.38 billion, respectively. Nevertheless, external debt has increased by P37.73 billion or 1.5% from its end-December,”  ayon pa sa BTr.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.