KAILANGANG magparehistro ang online selling businesses — micro, small, medium, o large — ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang online sellers ay kailangang magsumite ng Form 1901 na may trade name na nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI), at personal information, para maisyuhan ng certificate of registration.
“The tax to be imposed upon online selling businesses depends upon range of the income,” ayon kay Atty. Michael Alparaque, group supervisor ng Assessment Section ng BIR.
“If the annual gross income reaches P3 million, Value-Added Tax (VAT) applies. If gross income is below P3 million, online sellers pay percentage tax only.”
Ang online sellers ay inaatasang mag-isyu ng invoice sa mga customer na ia-attach sa parcel of goods. Napag-alaman na ginagamit ngayon ang invoice ; ang official receipt (OR) ay inalis na sa pamamagitan ng isang polisiya sa “ease of paying taxed .”
Ayon kay Atty. Alparaque, ang mga pagkain na klinasipika bilang agricultural products, gayundin ang mga gamot, ay exempted sa VAT.
Ang BIR ay nagsagawa ng mapping sa online sellers sa Western Visayas.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P20,000.