UTOS NG NTC SA TELCOS SA ELEKSIYON: UNINTERRUPTED SERVICES

NTC

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunication companies na tiyakin ang kanilang serbisyo ngayong araw ng  eleksiyon.

Ipinag-utos ng NTC sa telecommunication entities ang paghahatid ng uninterrupted services o tuloy-tuloy na serbisyo ngayong araw.

Bukod dito, inatasan din ng NTC ang telcos na mag-deploy ng sapat na operation at maintenance personnel upang matiyak ang 99.99% network availability at reliability, partikular sa transmission ng mga report, datos at iba pang komunikasyon na may kaugnayan sa idinaraos na halalan.

Inatasan din ang mga telco na magsagawa ng adjustments at maintenance para matiyak na handa ang mga network na i-accommodate ang ina­asahang pagtaas ng gagamit ng mobile services.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.