V-DAY SA HOTSHOTS?

Hotshots

Laro ngayon:

(Ynares Center-

Antipolo)

7 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

Game 6 (Hotshots abante sa serye,  (3-2)

KAMANGHA-­MANGHA ang Magnolia sa 2019 PBA Philippine Cup sa matikas na pagbangon mula sa kanilang 0-3 simula sa torneo, sa 0-1 pagkalugmok laban sa  Barangay Ginebra sa quarterfinals at mula sa 0-2 deficit kontra Rain or Shine sa semifinals.

Ang naghihintay ngayon sa Hotshots ay ang pagkakataon na tapusin ang serye para sa ikalawang sunod na pagsabak para sa all-Filipino crown.

Sa panalo sa hu­ling tatlong laro para sa krusyal na 3-2 kalama­ngan sa kanilang best-of-7 series, ang Hotshots ay paborito laban sa Elasto Painters sa kanilang 7 p.m.  showdown ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

“We will try. The goal is to win four games to win the series. We will try to close it out Friday because we know Rain or Shine can also come back,” wika ni  Magnolia coach Chito Victolero.

Ang panalo ay mag­hahatid sa Hotshots sa finals kung saan makakasagupa nila ang magwawagi sa San Miguel Beer-Phoenix semis matchup.

Muling sasamantalahin ni coach Victolero ang malaking bentahe upang hindi na umabot pa sa Game 7 ang serye at tuluyang angkinin ang isang final seat.

“Hindi na namin bibitawan ito. All out win kami para matapos na at makapagpahinga bago sumabak sa finals,” sabi ni Victolero.

Subalit tiyak na hindi papayag si RoS coach Caloy Garcia na mapatalsik ang kanyang koponan at mabalewala ang kanilang pinaghirapan makaraang magtapos bilang no. 2 team  sa eliminations, at gagawin ng kanyang tropa ang lahat  para manalo at makahirit ng ‘do or die’ Game 7.

“This game will decide our feat. We have to win at all cost. There’s no turning back. We’re push against the wall and we have to fight back to survive,” wika ni Garcia na hanggang ngayon ay bigo pa ring mapasama sa ‘elite club of champions’.

Si James Yap ay isang malaking ‘disappointment’ sa Game 5 kung saan umiskor lamang ito ng tatlong puntos sa fourth quarter at hindi naka-porma sa parang lintang pagguwardiya nina Andy Mark Barroca at Rome de la Rosa.

CLYDE MARIANO

Comments are closed.