V-LEAGUE: BULLDOGS SISIMULAN NA ANG TITLE-RETENTION BID VS TAMS

Volleyball

MATITIKMAN na ng prized rookies ng University of the East ang college play sa pagharap ng Lady Warriors sa Enderun Colleges sa pagsisimula ng V-League Collegiate Challenge ngayon sa Paco Arena.

Determinadong maging contenders sa ilalim ni bagong coach Jerry Yee, ipaparada ng UE sina Casiey Dongallo, Jelai Gajero, Kizzie Madriaga at Grace Fernandez, na naglaro para sa decorated high school program California Academy, gayundin si Claire Castillo ng Maryhill College.

Gagabayan nina holdovers Ja Lana, Khy Cepada, Lia Pelaga, Riza Nogales at libero Angelica Reyes ang Lady Warriors newbies sa kanilang transisyon sa kolehiyo simula sa 2 p.m. match sa Lady Titans.

Ang Enderun, ang reigning NAASCU champion, ay pangungunahan nina Erika Deloria, Althea Botor, Zen Perolino, Michaella Ma at Rhean Almendralejo

Sa iba pang women’s match, haharapin ng Far Eastern University, sa gabay ni Manolo Refugia sa interim basis ang Mapua sa alas-4 ng hapon.

Sa men’s division, sisimulan ng National University ang title-retention drive kontra UAAP rival FEU sa alas-12 ng tanghali.

Ipaparada ng Bulldogs si blue-chip recruit Jade Disquitado sa pagsagupa sa Tamaraws, na gagabayan ni Eddieson Orcullo.