V-LEAGUE CROWN ITATAYA NG BULLDOGS

volleyball

IDEDEPENSA ng National University ang men’s title nito sa pagpalo ng V-League Collegiate Challenge sa Aug. 16 sa Paco Arena.

Ipaparada ng Bulldogs ang solid core mula sa three-peat UAAP team sa pangunguna nina setter Josh Retamar, Mike Buddin, Nico Almendras, Kenry Malinis at Obed Mukaba.

Inaasahang bibigyan ng University of Santo Tomas, ang losing finalists noong nakaraang taon, ng magandang laban ang NU sa nalalapit na torneo na tatampukan din ng iba pang UAAP teams tulad ng Eastern University, La Salle at Ateneo.

Dinala ng Golden Spikers ang Bulldogs sa deciding Game 3 bago nagkasya sa silver medal.

Ang eight-team cast ay kinabibilangan din ng NCAA holders University of Perpetual Help System Dalta, Emilio Aguinaldo College at San Beda.

Ang mga laro ay idaraos tuwing Miyerkoles, Biyernes at Linggo.

Sa women’s side, walong koponan ang kumpirmadong lala- hok, sa pangunguna ng NCAA champion College of Saint Benilde.

Ang iba pang koponan ay ang NCAA sides Lyceum of the Philippines University, Mapua, Perpetual at San Sebastian. UAAP squads Far Eastern University at University of the East at reigning NAASCU champion Enderun.

Ang top four teams mula sa bawat division matapos ang single round elims ay uusad sa best-of-three semifinals kung saan haharap ang first at second-seeded teams sa fourth at thirdranked teams, ayon sa pagkajasunod.

Ang finals ay isa ring best-of-three series habang ang labanan para sa bronze ay isang one-game affair.