TAGUIG CITY – NANAWAGAN si PNP- National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar sa mga netizen na maging maingat sa pagpo-post o pagsi-share sa social media upang hindi malito ang taumbayan.
Ito ay makaraang maalarma ang PNP-NCRPO sa pagkalat sa social media ng umano’y sabwatan ng ilang tiwaling pulis at mga valet parking attendant na nag-tatanim ng ebidensiya sa kanilang mga ipinaparadang sasakyan.
Ayon kay Eleazar inimbestigahan na nila ang nasabing isyu subalit wala namang lumulutang na complainant o naghain ng sumbong.
Sinasabing nagsimulang pakalatin ang mensahe sa social media laban sa umano’y mga valet parking boys ng isang hotel na nagtatanim ng illegal drugs sa car compartments ng kanilang mga customer, noong Nobyembre 2018, at muling kumakalat ngayon.
Kaugnay nito nanawagan din si Eleazar sa umano’y mga biktima o kanilang mga kamag-anak na lumantad at maghain ng formal report ng nasabing insidente para masiyaat at gawan ng kaukulang aksyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.