VAN VS TRUCK: 8 PATAY, 7 SUGATAN

QUEZON – WALO  katao ang patay sa salpukan ng private van at wing truck sa bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Brgy. Sto. Cristo bayang ng Sariaya kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni Sariaya PNP OIC Chief of Police Lt Col Carlo Caceres na 8 ang nasawi sa 14 na sakay ng van at 7 ang sugatan sa malagim na trahedya sa kalsada.

Nasa ibat-ibang os­pital sa bayan ng Sariaya, Candelaria at Lucena City ang 8 nasawi kasama ang 2-anyos na idineklarang dead on arrival at ang  7 sugatan na pasahero ng van kabilang ang driver ng truck.

Ayon pa kay Ca­ceres, base sa kanilang imbestigasyon, nakatulog umano ang nagmamanehong driver ng van na nakilalang si Eleodoro Bermudo, residente ng Balatan, Cam Sur kung saan napunta nito sa linya ng kasalubong na truck.

Ayon sa anak ng driver ng van, galing sa bayan ng Balatan, Camarines Sur ang kanilang van sakay ang magkakapamilyang bik­tima nang banggain nito ang kasalubong na wing van truck na minamaneho ni Crisanto Saculo Pascual, residente ng Brgy.Tinago, Isarog, Naga City na nanggaling ng Taguig City patungo sa Legazpi City, Bicol Region.

BONG RIVERA