VANGUARDIA ‘IN’, RACELA  ‘OUT’ SA BLACKWATER

ITINALAGA ng Blackwater si Ariel Vanguardia bilang bago nitong coach, kapalit ni Nash Racela matapos na gumawa ng kasaysayan sa PBA bilang koponan na may pinakamahabang losing streak.

Tinapos ng Bossing ang kanilang kampanya sa Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga na walang naipanalo sa 11 laro at natalo sila ng 19 sunod magmula pa sa  all-Filipino conference noong nakaraang season.

Kinumpirma nina Blackwater owner Dioceldo Sy at governor Silliman Sy ang pagbabago kung saan magsisilbi si Vanguardia bilang in-terim head coach para sa second conference.

“Definitely it is going to be better than 19 straight losses,” sabi ni Dioceldo Sy nang tanungin sa kanyang inaasahan para sa Bossing sa mga susunod na conference.

116 thoughts on “VANGUARDIA ‘IN’, RACELA  ‘OUT’ SA BLACKWATER”

Comments are closed.