VARGAS PBA CHAIR ULIT

Ricky Vargas

TULAD sa tatlong nakalipas na seasons ay walang magaganap na traditional turnover ng PBA chairmanship sa PBA Rookie Draft sa linggo.

Naroon pa rin si TNT Tropang Giga governor Ricky Vargas bilang PBA chairman para sa ika-4 na sunod na season.

Si Vargas, isang corporate man at sports leader na may mahusay na vision, ay nahalal bilang Season 46 chair sa election of officers na isinagawa sa two-day planning session ng PBA board na nagsimula noong Lunes.

Muli namang nahalal si Bobby Rosales ng Terrafirma bilang vice chair habang si Alaska Milk’s Dicky Bachmann ang treasurer, na pumalit kay Silliman Sy ng Blackwater.

Si Bachmann ay opisyal ding itinalaga bilang  chairman ng komite na mangangasiwa sa PBA 3×3.

Kasama ang chair, si Willie Marcial ay magsisilbi sa liga bilang commissioner para sa ika-4 na sunod na season.

Ang reelection ni Vargas ay gumawa ng kasaysayan dahil ang TNT franchise top official ay naging longest serving PBA top honcho matapos nina Carlos Palanca III ng Barangay Ginebra at Rey Marquez ng Formula Shell na nanungkulan noong 1983-86 at 1987-90, ayon sa pagkakasunod. CLYDE MARIANO

One thought on “VARGAS PBA CHAIR ULIT”

Comments are closed.