LIBRE na sa value-added tax (VAT) ang house and lots na ibebenta sa P3.6 million at pababa.
Ito’y makaraang itaas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang VAT exemption threshold sa pagbebenta ng house and lot, at iba pang residential properties sa P3.6 million mula P3.199 million.
Sa isang statement, sinabi ng BIR na nag-isyu si Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. ng Revenue Regulations No. 1-2024, na itinaas, “para sa VAT exemption purposes, ang selling price threshold ng house and lot, at iba pang residential dwelling mula P3,199,200.00 sa P3,600,000.00.”
Ayon sa BIR, ang adjustment ay alinsunod sa Section 109 (P) ng National Internal Revenue Code na ipinag-uutos na kada tatlong taon, ang subject amount ay dapat i-adjust sa kasalukuyang value nito gamit ang Consumer Price Index tulad ng inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA).
“This timely increase in VAT exemption shows our commitment to Excellent Taxpayer Service,” sabi ni Lumagui.
“This increase in the selling price threshold, for VAT exemption purposes, of the sale of house and lot, and other residential dwelling from P3,199,200.00 to P3,600,000.00 gives testament to the BIR’s improved and updated services,” dagdag pa niya.
PAULA ANTOLIN