“ANG Value Added Tax o VAT ay isa sa pinagkukunan ng mahalagang bahagi ng sistema ng pagbubuwis ng ating bansa, kung kaya nananawagan ako sa taxpaying-public na tulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at magkaisa ang sambayanan upang magbayad ng buwis sa itinakdang deadline sa darating na Abril, 25 ng taong ito,” pahayag ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr.
Ayon kay Lunagui, noong nakaraang taon, ang BIR ay nakapag-ambag ng 20 porsiyento sa kabuuang koleksiyon ng Kawanihan ng Rentas o humigit-kumulang sa P463 bilyon.
Pagbibigay-diin niya, “tayo ay may obligasyon na ibigay ang VAT na ating nakolekta sa BIR. Malaki ang ginagampanan ng VAT sa ating ekonomiya at sa mga pangunahing programa sa ating pamahalaan.”
Sa pagkakataong ito, matapos ang matagumpay na kampanya ng BIR noong nakaraang Abril, 17 ukol sa deadline ng pagpa-file ng annual income tax returns at tax payments na tinugunan ng milyon-milyong corporate at individual taxpaying public sa buong bansa ay muling nanawagan si Lumagui na mag-report o magbayad ng VAT on or befire April, 25 this year 2023.
“Magtulong-tulong po tayo sa pagbangon, magkapit-bisig at magsama-sama dahil ang buwis na wastong ibinabayad ay alay natin sa bawa’t Pilipino,” ang panawagan sa taumbayan ng BIR chief.
Kasunod nito ay inatasan ni Commissioner Lumagui si Revenue Assistant Commissioner for Large Taxpayers (LTS) Atty. Jethro Sabariaga na kumbinsihin ang 1st 5,000 ‘big-time tax corporations’ o yaong itinuturing na 1 korporasyon sa bansa na pangunahan at maging halimbawa sa pagbabayad ng tamang buwis para makalikom ng mahigit sa 60 porsiyento sa kabuuang tax goal ng BIR na nasa P2.47 trilyon ngayong taxable year.
Bilang pagsuporta sa hakbang ng BIR chief sa kanyang panawagan sa taxpaying publuc, pinakilos na rin nina Metro Manila BIR Regional Directors Dante Aninag (Makaty City), Edgar Tolentino (South NCR), Bobby Mailig (Quezon City), Albin Galanza (East NCR), Gerry Dumayas (Caloocan) at Renato Molina (Manila) ang kani-kanilang RDOs (Revenue District Officers) para hikayatin ang mga taxpayer sa kani-kanilang hurisdiksyon para magbayad ng tamang VAT upang makamit ang minimithing tagumpay sa pagkolekta ng buwis.
Sinabi ni Commissioner Lumagui na ang nakokolektang buwis ng Kawanihan ng Rentas ay malaki ang naiaambag sa pag-unlad ng komunidad, negosyo, ekonomiya at sa kabuhayan ng masang Pilipino.
vvv
Umapela ang Development Bank of the Philippines (DBP) laban sa isinusulong na merger sa Land Bank of the Philippines (LBP) dahil sa umano’y posibleng pagsulpot ng ‘unintended ponopoly’ at panganib na posibleng likhain nito.
“Ang hindi sinasadyang monopolyo ay maaaring hindi kinakailangang magresulta sa pinabuting pag-access ng mga lokal na pamahalaan sa pautang, lalo na ng mga atrasadong lalawigan at munisipalidad,” paliwanag nina DBP Predident Michael De Jesus at Chairman Dante Tinga/ .Ayon sa kanila, habang pinagaaralan pa ang ganitong mungkahi, nais ng DBP na samantalahin ang pagkakataong ipaliwanag kung bakit hindi dapat pagsanibin at kung ano ang pinakamainam na posisyon pabor sa gobyerno.
“Sa aming palagay, pinakamainam na para sa kapakanan ng bansa na parehong magpatakbo nang hiwalay ang dalawang bangko sa isa’t isa upang parehong mag-recapitalize at ang bawa’t isa sa mga ito ay magpatuloy sa kanilang sariling mandato,” depensa ng dalawang banking officials.
Anila, “hindi maganda ang merger. Inilalagsy lang ang lahat ng iyong mga itlog sa isang basket. In the future, in case of mismanagement or corruption, you only have one bank as opposed to having two!”
Sinabi nila na sa panawagan para sa merger ay binabalewala nito ang mas malinaw na pagkakaiba na umiiral sa kasalukuyang mandato ng dalawang nabanggit na banko.
Sa isang liham sa Governance Commission for Government-Owned and Control Corporation (GCC), hinimok din ng dalawang top bank officials na tanggihan ang panukalang pagsasanib dahil ito ay hindi ginagarantiyahan sa mga pamantayang naaayon sa batas.