ITINAAS na ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa hanggang 30% ang seating o venue capacity ng mga lugar na pinag-dadasalan gaya ng simbahan, mosque at iba pa.
Sa Laging Handa Press Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, na itinaas na ng IATF ang seating capacity sa mga religious venues na dating nasa 10% lang.
Nauna rito, sinang-ayunan ng lahat ng mga Metro Manila mayors na irekomenda sa IATF ang pagtataas ng seating capacity sa mga simbahan para bigyang-daan ang pagdalo ng mas maraming mga mananampalataya, lalo’t nahaharap ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Pinayagan na ang religious gatherings sa mga lugar sa ilalim ng GCQ na hanggang 30% of the seating or venue capacity sa dating 10%. Ito rin po ay alinsunod sa naging rekomendasyon ng ating Metro Manila mayors,” ani Roque.
Comments are closed.