PAGSASAMA-SAMAHIN ang mga bagito at beterano na isasabak ng bansa sa volleyball sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Disyembre.
Ang mga beterano ay pangungunahan nina Mika Reyes, Denden Lazaro, Aby Maraño at ng magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat, kasama sina Ces Molina, Jia Morado, Dawn Macandili, Myleen Paat, Aiza Maizo-Pontillas, at Fil-Ams Kalei Mau, Alohi Robins-Hanfy at MJ Phillips.M
Ang mga bagitong player ay kinabibilangan naman nina UST rookie Eya Laure, Diana Carlos, Kath Arado, Angel Cayuna, Celine Domingo, Jema Galanza at Jerrili Malabanan.
Magiging coach ng women’s team si Shaq delos Reyes, habang magmamando para sa men’s team si NU coach Dante Alinsunurin..
Congratulations sa North team na nagwagi sa South team, 185-170, sa 2019 PBA All-Star Game noong Linggo ng gabi sa Calasiao, Pangasinan. Sina Arwind Santos at Japeth Aguilar ang itinanghal na MVP, kung saan kumana si Santos ng 34 points, habang umiskor si Aguilar ng 32 points.
Nakopo naman ni Rey Guevarra ng Phoenix ang ika-5 sunod na Slam Dunk title. Tinalo ni Guevarra si Renz Palma ng Blackwater. Napakahusay ng player na ito, siya lagi ang pambato ng team kada may PBA All-Star, pero malaking katanungan kung bakit hindi siya nabibigyan ng pagkakataon ng team na ipakita ang kanyang galing kapag may laro ang Fuel Masters. Lagi na lang siyang tagapalakpak sa kanyang teammates. Kung pinagkakatiwalaan si Guevarea sa mga ganitong sitwasyon, sana naman ay pagkatiwalaan din siya sa games nila para bumalik ang kumpiyansa ng basketbolista. Congrats, Rey Guevarra! Sana ay mabigyan ka ng exposure ng koponan mo.
Summer na kaya naman kalat ang mga BASKETBALL CLINIC ngayon sa iba’t ibang panig ng Filipinas. Tulad na lang ng ex-PBA player Bal David, ang THE FLASH BASKETBALL CLINIC na gagawin sa Octagon Village, Dela Paz, Pasig. Simula na ito ngayong Abril na may 8 sessions.
Kay coach Arlene Rodriguez naman ang BATANG KORT SUMMER BASKETBALL CLINIC na gagawin naman sa St. FRANCIS basketball court. For more details, please call 5636541/5646850 loc. 101. Suportado ito ng Uratex at R Lapid Chicharon. Katulong ni coach sa kanyang basketball clinic sina Eman Natividad, Angel Rodrigguez, Dong Balmatero, at Diego Padua.
Ang isa pang basketball tournament ay itong 3X3 ni coach Jojo Marcos na gaganapin sa Robinsons Place Malolos sa Bulacan. Ito ngayon ang pinakaaabangan ng mga Bulakenos, ang BLACK MAMBA SPORTS. May tatlong taon na itong ginagawa ni coach Jojo. Sa ngayon, ang puwedeng lumahok ay 16 under at may taas na 5’11. Ang magtsa-champion ay tatanggap ng P5K.
Comments are closed.