VICE 9 MALETA ANG DALA SA LOCK-IN SHOOT SA CLARK

ESSENTIALS lang ang dapat dalhin sa lock-in ng It’s Showtime sa Clark, Angeles, Pampanga, pero siyam na maleta ang dala ni Vice Ganda.

Nang ibalik sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, napilitan ang noontime show na lumipat sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga upang makapagpatuloy pa rin sa pag-ere sa loob ng dalawang linggo. So, ang essentials ni Vice para sa dalawang linggong lock-in ay 9 luggages na naglalaman ng lahat ng damit at sapatos na gagamitin niya – at malamang,  pati mga wig.

Bukod sa mga damit at sapatos, nagdala rin siya ng sariling clothes racks para hindi niya problemahin kung saan niya ilalagay ang mga dala niya. Ani Vice, talagang laging sobra ang dinadala niya para mayroon siyang pagpipilian.

Balik-Metro Manila naman uli ang “It’s Showtime” cast ngayong MECQ ang NCR. – KAYE NEBRE MARTIN

5 thoughts on “VICE 9 MALETA ANG DALA SA LOCK-IN SHOOT SA CLARK”

Comments are closed.