PAREHONG host ng magkalabang noontime shows — ang It’s Showtime at Eat Bulaga, nagkita sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros sa isang event ng LGBTQIA.
Sa nasabing event, wala munang rivalry dahil inorganisa ito para magpakasaya sila. Ani Vice, nais niyang magkaroon ng getting-to-know ang mga katulad nila at simulan ang isang community. Isa sa mga imbitado sa nasabing event ay si Paolo.
A week later, nag-post sa Instagram si Paolo kasama si Vice at iba pa, gaya nina Kaladkaren at Jiggly Caliente na ang caption ay: “Ayun ang mga vukluh!”
Nagyaya naman si Vice ng bonding at pumayag sa imbitasyon ni Vice.
“Labya,” sagot pa ng Kapuso host kay Vice.
Nag-post din si Vice ng mga larawan nila ni Paolo sa party kaya hindi magkamayaw ang supporters ng dalawa na tuwang tuwa sa namumuong friendship ng dalawang host. Dapat daw, ang title ng mga post ay “Eat Showtime,” jokeng iba na pinagsama ang Eat Bulaga at It’s Showtime.
Sana nga, magkaroon ng collaboration ang dalawa – maybe in a movie. Patok na patok ‘yon. — KNMartin