VICE MAYOR ARESTADO SA P1.3-M SHABU

shabu

MAGUINDANAO – ARESTADO ang vice mayor ng Datu Unsay makaraang makum­piskahan ng P1.3 mil­yong halaga ng shabu sa inilunsad na Law Enforcement Operation ng pinagsanib na pu­wersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Criminal Investigation and Detection Group- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-BARMM), Philippine National Police (PNP) at PDEA-ARMM sa bahay ng dating opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sitio Ameril, Barangay Manggay, bayan ng Talitay kahapon ng umaga.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ameril.

Base sa ulat ni PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin, lumilitaw na target ng operasyon ang bahay ni Mike Sittie na sinasabing nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal at may nakabinbing warrant of arrest.

Nang hindi matag­puan si Kuander Sittie ay pinasok ng awtoridad ang bahay ni dating ARMM Assemblyman Sidic Ameril subalit tanging ang misis lamang nito na si Vice Mayor Janine Ameril ang nadatnan.

Narekober sa bahay ng pamilya Ameril ang iba’t ibang uri ng high-powered firearms, mga bala, at ilang gramo ng  shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Nilinaw naman ni Azurin na hindi nila ni-raid ang bahay ng pamilya Ameril bagkus may impormasyon sila na may itinatagong mga baril, bala at droga kaya itinuloy nila ang nabanggit na operasyon. MHAR BASCO

Comments are closed.