NAGING patok ang public service program ni Vicky Morales na “Wish Ko Lang.”
Katunayan, naging instrumento ito para matupad ang mga pangarap ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanilang mga hiling sa nasabing programa.
Kaya naman siya ang tinaguriang proverbial godmother o grantor of wishes si Vicky.
Ngayong mawawala na sa ere ang “Wish Ko Lang,” may bago namang dapat abangan sa tinaguriang Ate ng Bayan sa reality-drama program na “Ilaban Natin ‘Yan!” ng GMA-7.
Si Vicky ay ginawaran ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award noong 33rd PMPC Star Awards for Television noong nakaraang taon.
REGINE WALA NANG BABALIKAN SA GMA
UMANI ng samu’t-saring reaksyon ang naging post ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kaugnay ng napipinto umanong pagsasara ng ABS-CBN.
Sey niya, paano na raw ang ASAP kung saan siya napanonood at ang ibang mga programa at teleseryeng maaapektuhan kung sakaling hindi ma-renew ang prangkisa ng network na mag-operate.
May netizens na nakikisimpatiya kay Regine pero mayroon din namang bashers na binabatikos siya.
Sey ng ilang bashers, jinx daw ang singer-actress at wrong timing daw ang paglipat nito ng network.
Obvious din daw na worried ito na mawalan ng trabaho lalo pa’t wala pang dalawang taon mula nang mag-ober da bakod siya sa Kapamilya network mula GMA-7 na naging tahanan niya for 20 years.
Lumabas muli ang isyu tungkol sa umano’y pagiging ingrata niya sa Kapuso station.
Dagdag pa ng ibang kibitzers, kung sakali raw magsara ang Dos, wala nang babalikan si Regine dahil isinuka na siya umano ng nasabing network bukod pa sa mga kumukuwestiyon noon sa kanyang loyalty.
JOHN DENVER TRENDING WAGI SA VESOUL INTERNATIONAL FILMFEST
WAGI sa prestihiyosong Vesoul International Filmfest ang Cinemalaya movie na John Denver Trending ni Arden Rod Condez ng Jury Prize.
Naka-tie nito ang Korean movie na A Bedsore ni Shim Hye-Jung. Nanalo rin ito ng Audience Choice award.
Comments are closed.