VILLANUEVA ISUSULONG KOMPREHENSIBONG ANTI-DISCRIMINATION MEASURE HIGIT SA SOGIE EQUALITY BILL

MULING iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kanyang pangakong isulong ang isang komprehensibo at inclusive na anti-discrimination measures na lagpas sa saklaw ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality bill.

“While the SOGIE Equality bill is important, it’s imperative that we extend our efforts to combat bias based on various factors, fostering the creation of a truly inclusive society,” ani Villanueva.
Ginawa ni Villanueva ang pahayag sa gitna na muling panawagan para sa pagpasa ng SOGIE Equality bill. Inaakusahan din si Villanueva ng ilang mga supporter ng panukala na siyang dahilan ng pagkaantala ng pagpasa nito.

Sa budget deliberation sa Senado noong Nobyembre 21, sinabon ng mga senador ang Commission on Human Rights (CHR) matapos isa sa mga opisyal ang nagpetisyon na humikayat para sa agarang pagpasa ng SOGIE Equality bill.

Ito’y kasunod ng pagprisinta ni Villanueva ng isang video clip ni Atty. Krissi Shaffina Twyla Rubin, officer-in-charge ng CHR’s Center for Gender Equality and Women’s Human Rights na nagsasalita sa Pride Month celebration sa Quezon City noong Hunyo.

Sa naturang video, sinabi ni Rubin, “Mayroon kaming isang petisyon, isang love letter sa ating senador. Hulaan ni’yo kung sinong senador? Mayroon tayong love letter kay Senator Joel Villanueva. At ang ating panawagan po, dear Senator Villanueva, dear senators natin, lahat po kayo, sana pakinggan ni’yo ang boses ng ating LGBTQ community at ang ating sigaw ano pong gusto nating ipasa? SOGIE Equality bill.”

Dahil sa pagkadismaya, sinabi naman ni Villanueva na “Hindi n’yo ba ako pupwedeng madinig muna yung aking adhikain at ang mga panukalang batas na aking inihain dito sa Senado bago po kayo magdesisyon na pi-petition-in ni’yo po ako, bago po kayo magdesisyon, na tatayo sa entablado, yurakan ang aking pagkatao?”

Sinuportahan nina Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Alan Peter Cayetano si Villanueva sa kanyang hindi pagsang-ayon sa pahayag ni Rubin.

Sabi pa ni Cayetano, ang pagsalungat sa SOGIE bill ay hindi katumbas na pagiging kontra sa LGBTQIA+ community.

Sa isang statement kamakailan, binigyang diin ni Villanueva ang kahalagahan ng pagprotekta sa indibidwal mula disrkiminasyn batay sa edad, disability, ethnicity, at iba pa.

“Our goal is to create a legislative framework that safeguards the rights and dignity of every Filipino, regardless of their background. A holistic anti-discrimination measure is not only about protecting specific groups but ensuring equal opportunities and fair treatment for all,” ani Villanueva.

Kinakilala ng senador ang pagiging komplikado ng isyu at nagpahayag ng kanyang pangakong makikipagtulungan sa kapwa niya mambabatas para bumuo ng batas na tutugon sa magkakaibang anyo ng diskriminasyon na laganap sa lipunan.

Habang patuloy ang pagtalakay sa anti-discrimination measure, sinabi ni Villanueva na nanatili siyang matatag sa kanyang adbokasiya para sa isang mas komprehensibo at inclusive na legal framewoprk na magsusulong ng pagkakapantay-pantay, pagkakaunawaan at paggalang para sa lahat. VICKY CERVALES