VILLAR SIPAG AWARDEE: MOST HOLY ROSARY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

ANG Holy Rosary Multi-Purpose Cooperative (MHRMPC) ay itinatag noong 1985 sa ilalim ng liderato ng parish priest noong mga panahong iyon ng  Our Lady of the Most Holy Rosary Pa­rish ng Rodriguez (Montalban), Rizal  kung saan nagmula ang ­pangalan ng kooperatiba. Nagsi­mula ito na may 31 ­miyembro, ka­ramihan ay parish workers na nag-ambag-ambag ng P10, 990 bilang initial capital para sa kanil-ang lending business, ang kanilang unang venture bago naging isang multi-purpose cooperative ang kooperatiba noong 2010.

Ang MHRMPC ay maraming katuwang upang higit na maserbisyuhan ang mga tao at maipatupad ang mga programa  nito. Kabilang dito ang De-partment of Trade and Industry (DTI) sa consumer protection campaign at ang Philippine National Red Cross sa healthcare protection. Isa sa kanilang mga proyekto ay ang Blood Samaritan kung saan bumibili ang kooperatiba ng 100 bags ng dugo na ipinagkakaloob nang libre sa mga miyembro na mangangailangan nito. Ang MHRMPC ay na­kipagpartner din sa pamahalaang lokal ng ­Rodriguez at sa  Department of Education (DepEd).

Gayundin, ang MHRMPC ay nakipag-alyansa sa iba pang kooperatiba at cooperative network dahil naniniwala itong binubuksan nito ang pintuan ng pagkakatuto at pagpapaunlad sa pamamagitan ng kooperasyon at pagtutulungan. Umanib ito sa Tagalog Cooperative Development Center (TAGCO-DEC), Metro South Cooperative Bank (MSCB), NATCCO Network, CLIMBS, Rizal Cooperative Development Council (RCDC) at Montalban Mu-nicipal Development Council (MMCDC). Ang pakikipag-alyansa nito sa naturang mga grupo ay nagbigay-daan sa patuloy na paglago ng MHRMPC.

Ang MHRMPC ang nangunguna at pinakamayamang kooperatiba sa Rodriguez. Pinarangalan din ito bilang “Natatanging Kooperatiba” sa Gawad Parangal Provincial Level noong 2013 at kinilala sa Regional Level Gawad Parangal noong 2014. Palagi itong kinikilala na may “Very Satisfactory Rat-ing” sa Financial Performance at Social Audit Performance. Ang iba pang awards at citations na tinanggap ng MHRMPC ay ang mga sumusunod:

  • Citation in Gawad Masikhay
  • 3rd Highest Percentage Growth in Asset for the Year 2009
  • 2nd Highest Percentage Growth in Asset for the Year 2010
  • Highest Percentage Growth in Membership Expansion for the Year 2010
  • Highest Percentage Growth in Membership Expansion for the Year 2011
  • Highest Percentage Growth in Membership Expansion for the Year 2012 (Hall of Fame)
  • 2nd Highest Percentage Growth in Membership Expansion for the Year 2013
  • Highest Percentage Growth in Asset for the Year 2014

Ang kooperatiba ay nagpautang ng hindi bababa sa P30 million kada buwan. Patuloy na lumaki ang assets nito ay ngayon ay nasa P159 million na. Umabot na rin sa 6,000 ang mga miyembro nito. Ang loan packages na iniaalok sa mga mi­yembro ay Regular Loan (2x of Share Capital), Special Loan (with Land Title as collateral), Capital Loan (base on excess on Share Capital), ­Lingap/Paalaga Loan (Backyard Hog Raising), Computer Loan, Motor-cycle/Car Loan, Merchandise Loan, Calamity Loan, Time Deposit Loan, Salary Loan, Educational Loan, ­Housing o Renovation Loan, Funeral Loan, Micro Finance/Group Financing at iba pa. Nagkakaloob din ito ng medical/health services tulad ng vaccinations, minor surgical procedures, at general medical consultation. Ang kooperatiba ay mayroon ding botika at medical clinic.

Sa ika-32 taon nito, ang kooperatiba ay patuloy na lumalago. Nakabili na ito ng lupa para sa main office nito. Ka­makailan lamang ay naging collect-ing agent ito ng Social Security System (SSS) na tunay na makatutulong sa mga miyembro at komunidad nito sa Rodriguez.

Ibinahagi ng koopera­tiba ang mga tinamo nitong tagumpay sa pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga tapat at produktibong miyembro nito. Nagka-kaloob ito ng kalahati o isang sako ng bigas sa mga miyembro na hindi nahuhuli sa pagbabayad ng kanilang utang. Nagbibigay rin ito ng scholarships sa mga anak ng mga qualified member. Sinasagot din ng MHRMPC ang P900  Philhealth contributions sa loob ng isang taon ng mga miyembro na nasa good standing. Ang MHRMPC ay may resident doctor kaya ang mga miyembro na nasa good standing ay pinagkakalooban ng libreng medical consul-tation. Nagbibigay rin ito ng elderly care sa mga mi­yembro na may edad 65 at pababa. Tumatanggap sila ng buwanang pensiyon at libreng konsulta sa doktor.

Umaayuda rin ang kooperatiba sa mga komunidad sa pamamagitan ng feeding program, schools supplies donation drive, medical mission at iba pang adbokasiya, gayundin sa paghubog ng potensiyal ng mga kabataang Pilipino sa pa-mamagitan ng Savers and Friendly Entrepreneurs Laboratory Cooperative (SAFE LAB Coop) na tumutulong sa paglinang at pagtatanim ng financial, humane at patriotic sense sa mga kabataan sa kasalukuyan.

 

Comments are closed.