VILLAR SIPAG AWARDEE: OLONGAPO MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

villar awardee

ANG noo’y Olongapo Market Vendors Retailers Credit Cooperative (OMVRCC) ay itinayo noong Disyembre 6, 1985 at inirehistro sa San Fernando, Pampanga, tulad ng pinasimulan ni dating Olongapo Mayor Richard Gordon. Nagsimula ito na may one-peso contribution mula sa mga miyembro nito, sa ilalim ng tinatawag na ‘paluwagan’ system.

Sa parehong taon, ang kooperatiba ay na­ging isang affiliate member ng National Market Vendors Confederation of Cooperatives o NAMVESCCO, kung saan pinarangalan ito bilang isa sa ‘top 7 big and progressive cooperatives’ sa 64 primary member-cooperatives nito.

Ang OMVRCC ay inamyendahan at inirehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) bilang Olongapo Market Vendors Development Credit Cooperative, Inc. (OMVDCCI). Ang OMVDCCI ay naharap sa maraming pagsubok na halos ikabagsak nito, kabilang ang pag-alis ng US Bases at ang pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991.

Ang sumunod na taon ay isang transition period para sa OMVDCCI, kung saan naghalal ito ng mga bagong opisyal. Isang Special General Assembly ang ipinatawag upang ipagbigay-alam sa mga mi­yembro ang paghihirap na pinagdaraanan ng kooperatiba. Nirebyu ng mga opisyal ang financial status ng kooperatiba, kumuha ng ‘competent at dynamic management staff’,  at pinagbuti ang sistema ng koleksiyon, lalo na sa delingquent accounts.

Noong 1995, ang OMVDCCI ay nag-avail ng rediscounting loan mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) na gagamitin bilang karag­dagang working capital at ng sumunod na taon, kumuha ito ng panibagong rediscounting loan na P3 million mula sa CGF fund sa pamamagitan ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Makalipas ang pitong taon, kumuha ang  OMVDCCI ng lote na may 5-story building na matatagpuan sa #32-20th Palace, West Bajac-Bajac para sa  main office nito at prime lot sa #43-23rd St., West Bajac-Bajac para sa refilling station nito.

Noong 2002, ang OMVDCCI ay inamyendahan at mula sa pagi­ging credit cooperative ay ginawa itong multi-purpose cooperative, na ngayon ay kilala bilang Olongapo Multi-Purpose Cooperative (OMPC).

Kabilang sa mga serbisyo at produkto na iniaalok ng OMPC ay Savings Deposits, Paluwagan Savings Deposit, Time Deposit, Appliance Loan, Educational Loan, Incentive Loan, Holiday Season Loan, Personal Loan,Salary Loan, Vehicle Loan, Business Loan, Events Place, Laundry Service, Van Rental at maraming iba pa.

Mula sa abang simula nito na one-peso contributions mula sa mga miyembro, ang OMPC ay isa na ngayong major cooperative na may share capital na halos P55 million at assets na nagkakahalaga ng P100 million. Sa kasalukuyan ay mayroon itong mahigit sa 3,000 miyembro,  na makaaasa na patuloy na magsisikap ang OMPC para sa patuloy na pagsagana ng kanilang buhay.

Comments are closed.