VILLAR SIPAG AWARDEE: QUEZON PUBLIC SCHOOL TEACHERS AND EMPLOY-EES CREDIT COOPERATIVE

ITINAYO ang Quezon Public School Teachers and Employees Credit Cooperative (QPSTECC) noong 1991 ng board of directors ng Quezon Public School Teachers Association (QPSTA),  na nagpasa ng isang resolution noong 1991 upang magka-loob ng seed capital na Php500,000  para sa  operasyon ng isang credit coopera-tive sa public school teachers at employees sa Lucena City at ­Quezon Province.

Sa unang taon ng operasyon nito, halos lahat ng staff at managers ng koope­ratiba ay nagtrabaho nang walang suweldo. ­Pangunahing layunin  ng kooperatiba na lumi-kha ng pondo at makapagpautang sa mga miyembro nito.

Ang mga miyembro ng QPSTECC ay nakikinabang sa financial assistance at sup-port na kanilang natatanggap.  Nagawa nilang suportahan ang mga pan-ga­ngailangan ng kanilang mga pamilya, makapag-ambag sa household income, su-portahan ang edukasyon ng kanilang mga anak at marami rin ang nagsimula ng sarili nilang negosyo.

Mula sa orihinal na 27 incorporators, ang QPSTECC ay mayroon na ngayong halos 4,000 miyembro. Ang common bond ng membership sa kooperatiba ay sa pamamagi-tan ng asosasyon. Ang field membership ay bukas sa mga miyembro ng QPSTA.

Hanggang noong Disyembre 2015, ang assets ng QPSTECC ay nagkakahalaga ng Php141.14 million,  kung saan Php121 million ang loan recei­vables. Sakop ng ­kooperatiba ang 47 distrito sa elementary schools, 92 sa secondary schools, at tatlong division offices.

Sa paglipas ng mga taon, ang mga pangako ng QPSTECC sa mga miyembro at staff nito ay nanatiling matatag.

Patuloy itong na­ging katuwang sa pag-angat ng kabuhayan ng mga miyembro nito sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo nito.

Gayundin ay tumulong ang kooperatiba sa paglinang ng ‘full potential’ ng pamunuan at mga opisyal nito. Pinalakas din nito ang maayos na relasyon ng mga miyembro sa education sector.

Comments are closed.