VILMA SANTOS INILIGTAS SI JESSY SA PAGKASUNOG

VILMA-JESSY

ARE Luis Manzano and Jessy Mendiola destined to end-up with each other? May kasalan bang star mirrormagaganap sa dalawa? Ito ang katanungan na nananatili sa aming isipan base sa kuwento ng aming source na nabasa raw nito ang vlog ng aktres na may isang pangyayari sa buhay nito noong tatlong taon pa ito.

Nagkaroon daw ng sunog sa set ng kanilang ginagawang commercial at iniligtas daw siya ng ina ng kanyang syota ngayong si Lucky na walang iba kundi ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Napa-isip uli kami, ito ba ang dahilan kaya walang masamang nangyari kay Jessy sa sunog dahil nakatadhana na ang dalawa pa-ra maging ‘Mr & Mrs’?

Ito umano ang nabasa ng aming source sa vlog ni Jessy at base raw ito sa kuwento ni Luis kung paano siya nailigtas ni Ate Vi sa nasabing sunog kasama ang kanyang kapatid na si Pam sa set ng ginagawa nila noong commercial bilang mag-ina.

‘Di lang doon nagtapos, magkakilala pala noon pa ang daddy ni Jessy at si Edu Manzano. May mga common friends umano ang dalawa at nag-uusap na raw ang dalawa. Nag-isip uli kami, baka may parental agreement na ang dalawa for Luis and Jessy, ‘di kaya?

Well, nakatadhana talaga ang dalawa base sa pangyayari kaya lang what keeping them from not marrying now? Dapat hanggang maaga, magpakasal na ang dalawa para matupad ang matagal nang pangarap ni Ate Vi na mabigyan siya ng apo ni Luis.

CHIN-CHIN GUTIERREZ PINILING MAGING ALAGAD NG DIYOS

CHIN-CHIN GUTIERREZKUNG ang mga millennials ang tatanungin, tiyak marami sa kanila ang hindi kilala si Chin-Chin Gutierrez na isang mahusay na aktres noong 90’s pero may kontro­bersya na nakaakbay sa kanya.

Siya ‘yung celebrity na tinutukoy sa blind item na kinakausap ang mga halaman at kung ano-ano pa.

Matagal siyang nawala sa limelight at puwedeng isiping kulang na sa project o baka iniwan na nito ang glamour of showbiz. Sa kanyang paglantad ngayon ay isa na siyang fully-consecrated nun na nagngangalang Sister Lourdes.

Ito na nga ang kanyang calling para mag-silbi sa Panginoon at magbigay ng inspirasyon sa mga netizens.

Base sa post ni Vicksay M. Josol, ang aktres ay dala na ang pangalang Sister Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez. Isa siyang former award-winning actress at isang dedicated environmentalist na siguro dito nakuha ang kuwento sa kanya na kinakausap nito ang mga halaman.

Chin-Chin Gutierrez won Best Supporting Actress for Maalaala Mo Kaya, The Movie sa 1995 Gawad Urian. Napanalunan din nito ang Best Actress para sa 1996 First Asian Television Award at na-feature siya bilang isa sa TIME Asia’s “Asian Heroes.

Comments are closed.