VINTAGE BOMB NATAGPUAN SA NAIA

VINTAGE BOMB

PARANAQUE CITY-STATE NATAGPUAN ng isang construction worker ang vintage  bomb sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang nagpreprepara ito sa pag-install ng stop bar malapit sa runway ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon sa report ng MIAA natagpuan ang naturang bomba malapit sa Terrminal 3 bandang alas 3:00 ng hapon sa domestic runway 13/31, na pinaniniwalaan hinulog ng Japanese Air Force  noong World War II.

Nabatid kay MIAA Operation chief Engineer Ric Medalla,ang lugar na ito, kung saan natagpuan ang bomba ay dating headquarters ng Philippine air Force, at naniniwala siya na maraming pang bomba ang inasahan na makukuha dito.

Bukod sa nagtagpuan bomba, nakakuha din sila ng mas maliit na bomba noong pinakahuling lingo ng Abril malapit din sa area ng domestic runway 13/31.

Kaugnay nito ipinag-utos ni MIAA General Manager Ed Monreal sa kanyang assistant ang paghahanap  ng iba pang vintage bomb na naka-baon gamit ang metal detector, upang maging bomb free ang NAIA.

Agad naman nai-turn over ang nasabing bomb sa mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) ng  PNP-Aviation Security Group for safe keeping. FROI MORALLOS

Comments are closed.