VIRTUAL SEND-OFF PARA SA PARALYMPIANS PANGUNGUNAHAN NI PRRD

PSC

BIBIGYANG-PUGAY ang anim na Paralympians ng bansa sa isang virtual send-off ceremony ngayong araw sa pangangasiwa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Naka-stream ito sa  Facebook page ng ahensiya alas-6 ng gabi, Huwebes, tatlong araw bago umalis ang delegasyon patungong Tokyo, Japan.

Mismong si Presidentr Rodrigo Duterte ang maghahatid ng kanyang mensahe ng pagsuporta sa para-athletes. Nauna na ring inihayag ni PSC Chairman Butch Ramirez ang suporta ng PSC Board sa anim na atleta na hinimok ang mga ito na i-enjoy ang experience sa kanilang pagsabak sa Paralympics.

Dadalo rin sa seremonya sina Senator Bong Go, chairman ng  Senate Committee on Sports, at  Congressman Mike Dy, chairman ng  Congress Committee on Youth and Sports, kasama si Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo.

Ang anim na kinatawan ng bansa sa Paralympics ay sina wheelchair athlete Jerrold Mangliwan,  para discus thrower Jeanette Aceveda, Ernie Gawilan at Gary Bejino (swimming), Achelle Guion (para powerlifting) at Allain Ganapin (para taekwondo).

Si Mangliwan ang flag bearer sa opening ceremony habang si Gawilan ang sa closing. Sasamahan sila ni Chef De Mission  Francis Carlos Diaz at ng kanikanilang coaches sa buong event. CLYDE MARIANO

3 thoughts on “VIRTUAL SEND-OFF PARA SA PARALYMPIANS PANGUNGUNAHAN NI PRRD”

Comments are closed.