VISMIN CUP: BASILAN, PAGADIAN, ZAMBOANGA SASALO SA LIDERATO

vismin

Mga laro ngayon:

(Provincial Gymnasium, Ipil, Zamboanga Sibugay)

12:00 n.t. —  Pagadian vs JPS Zamboanga City

2:00 n.h. — Basilan vs Roxas

MAKISOSYO sa maagang liderato ang puntirya ng homegrown-loaded Pagadian Explorers, Basilan Peace Riders at Zamboanga City sa pakikipagtuos sa kani-kanilang katunggali ngayon sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Provincial Gymnasium sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Haharapin ng Explorers ang JPS Zamboanga City sa unang laro ng double-header sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Galing ang Explorers sa pahirapang 82-80 panalo sa overtime laban sa Petra-Cement Roxas ni Leo Najorda nitong Huwebes, habang nagpamalas din ng katatagan ang Zamboanga City sa debut game nang durugin ang Kapatagan, 89-53, nitong Biyernes.

Bumida sa panalo ng Pagadian ang homegrown na si Von Lloyd Dechos na kumana ng three-pointer sa krusyal na sandali para sandigan ang koponan.

“Ako kasi defensive coach ako. Nagagalit ako kapag hindi sila bumababa sa defense kasi sabi ko nga sa kanila, magpapanalo sa atin depensa,” pahayag ni Pagadian coach Harold Sta. Cruz.

Mapapalaban naman ang Basilan sa bokya pang Roxas Vanguards sa main game sa alas-2 ng hapon. Naitala ng Peace Riders ang dominanteng panalo sa unang laro laban sa ALZA Alayon Zamboanga del Sur, 82-48.

“Pinaghandaan talaga namin ito. We’ve been practicing for so long,” sabi  ni Basilan head coach Jerson Cabiltes. Nagsimulang magsanay sa bubble set up ang Basilan noong pang April 25.

Galing ang Vanguards sa gabuhok na kabiguan sa Pagadian, 80-82, sa overtime at nasundan ng 66-72 pagsadsad sa Clarin. EDWIN ROLLON

5 thoughts on “VISMIN CUP: BASILAN, PAGADIAN, ZAMBOANGA SASALO SA LIDERATO”

  1. Hmm it appears like your site ate my first comment (it was
    super long) so I guess I’ll just sum it up what I had written and
    say, I’m thoroughly enjoying your blog. I too am an aspiring blog blogger but I’m still new to the whole thing.
    Do you have any helpful hints for first-time blog writers?
    I’d genuinely appreciate it.

  2. 825226 607501Hello, I think your site might be having browser compatibility issues. When I look at your blog in Firefox, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, great blog! 260464

Comments are closed.