LABANANG matira ang matibay ang nabuong senaryo sa krusyal na pagtututos ng Clarin Sto. Nino at Jumbo Plastic-Basilan sa nalalapit na pagtatapos ng elimination round ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg.
Kapwa napanatili ng Clarin at Basilan ang imakuladang marka matapos ang magkahiwalay na panalo nitong Linggo sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Norte.
Pinabagsak ng Sto. Nino ang host team Zamboanga del Sur, 96-91, habang sinalanta ng Basilan Peace Riders ang JPS Zamboanga City sa pinakabagong marka sa liga, 133-67, para manatiling magkasalo sa liderato, tangan ang parehong 7-0 karta.
Matutunghayan ng sambayanan kung sino ang mas matikas na koponan sa paghaharap ng dalawa sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa eight-team single elimination round ng pinakaunang professional basketball league sa South.
Nakataya sa kanilang pagtutuos sa alas-4 ng hapon sa Lunes ang awtomatikong Finals berth.
Kinailangan ng Sto. Nino ang determinadong laro nina Joseph Erioba at Carlo Lastimosa na kumana ng magkasunod na three-pointer bago nasundan ng fastbreak layup ni Pamboy Raymundo para mailayo ang iskor sa 10 puntos, may 1:45 ang nalalabi matapos maidikit ng Zamboanga ang iskor sa 80-82.
Nanguna si Lastimosa sa Clarin na may 22 puntos, 7 assists, at 4 steals, habang kumana sina John Wilson at Eriobu ng 17 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Taliwas sa laro ng Clarin, dominado ng Basilan ang tempo sa kabuuan ng laro tungo sa makasaysayang 66 puntos na panalo – pinakamalaking bentahe mula nang maitala ng MJAS-Zenith ang 38 puntos na panalo laban sa Ubigon sa Visayas leg, 104-66.
Hataw si Michael Juico sa Basilan sa kinamadang 21 puntos mula sa 10-of-12 shooting, habang tumirada sina Chris Bitoon ng 15 puntos at 8 assists, at Michael Mabulac ng 14 puntos at 6 rebounds. EDWIN ROLLON
Iskor:
Unang laro
Clarin (96) – Lastimosa 22, Wilson 17, Eriobu 12, Marcelino 11, Raymundo 7, Baetiong 7, Pagarte 6, De Mesa 6, Hayes 5, Berdan 3, Mangahas 0.
Zamboanga del Sur (91) – Sara 18, Celada 17, Daa 15, Pepito 10, Jabello 9, Poligrates 8, Moneva 4, Larolin 3, Tajonera 3, Bangcoyan 2, Raflores 2, Puerto 0.
QS: 26-23, 42-45, 65-67, 96-91.
Ikalawang laro
Basilan (133) – Juico 21, Bitoon 15, Mabulac 14, Collado 12, Latip 12, Bringas 11, Baloria 9, Hallare 7, Gabo 6, Saliddin 6, Uyloan 5, Siruma 5, Taganas 4, Manalang 4, Lunor 2.
Zamboanga City (67) – Gaco 17, Alvarez 10, Cardona 9, Yu 7, Salim 6, Belencion 4, Ferrer 4, Neypes 3, Jumaoas G 3, Wanimal 2, Jumao-as N 2, Jeruta 0, Matias 0.
QS: 33-17, 51-31, 89-49, 133-67.
635695 560990I like this web weblog quite considerably so a lot superb info . 774914
712338 961099I just want to tell you that Im really new to weblog and honestly liked this web web site. More than likely Im preparing to bookmark your weblog post . You definitely come with exceptional articles and reviews. Bless you for sharing your web internet site. 196144
484161 300004This is such a great resource that youre offering and you supply out at no cost. I appreciate seeing sites that realize the worth of offering a perfect valuable resource completely free of charge. I genuinely loved reading your submit. 593377
570457 421401Some really marvelous function on behalf with the owner of this web web site , dead fantastic subject matter. 620222