VISMIN CUP: SEMIS ‘WAR’ SIMULA NA

vismin

Mga laro ngayon:

(Pagadian City Gymnasium, Zamboanga del Sur)

4 p.m. – Pagadian vs Roxas

6 p.m.- Clarin vs Zamboanga City

KUMPIYANSA ang No. 2 seed Clarin na madugtungan ang nabuong tikas sa pakikipagharap sa No.5 Zamboanga City sa pagsisimula ng best-of-three semifinal series ngayon sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg.

Makakasagupa ng Clarin ang beteranong Zamboanga City squad sa alas-6 ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Liyamado ang Clarin Sto. Niño na nakapagpahinga ng mahabang araw mula nang mabigo sa top seed at outright finalist Basilan nitong Martes, kontra karibal na dumaan sa quafterfinal phase ng liga. Ang laban sa Basilan ang tanging dungis sa marka ng Sto, Nino.

“Nagpahinga lang kami at training lang para sa JPS kasi alam naman namin na hindi basta-basta ang JPS. Isa sa mga powerhouse team ‘yan,” pahayag ni Clarin head coach Miguel Borilla Jr.

Sa kanilang elimination round matchup, nadomina ng Misamis Occidental-based squad ang JPS Zamboanga, 95-69.

“The last time we played, third quarter abante pa kami sa kanila. Nag-collapse lang kami pero ngayon we’re more ready. Kahit close game, ang importante naman ‘yung W, ‘di ba,” sabi ni JPS coach Tony Pardo.

Magtutuos naman sa hiwalay na best-of-three series ang home team Pagadian at No.4 Petra Cement-Roxas sa alas-4 ng hapon.

Nanaig ang Pagadian Explorers sa kanilang elimination match up, 82-80, matapos ang game-winner shot ni homegrown player Von Dechos sa over-time.

Nakuha ng Pagadian ang semifinal slots nang magwagi sa No. 8 seed Kapatagan, 87-76, sa quarterfinals rubber match nitong Biyernes. EDWIN ROLLON

93 thoughts on “VISMIN CUP: SEMIS ‘WAR’ SIMULA NA”

Comments are closed.